Chapter 28

2.3K 29 1
                                    

Nagring bigla ang cellphone dahilan upang ako'y magising. Tinatamad kong inabot ang cellphone na nakapatong sa lamesa at ng makapa ay agad itong kinuha at idinikit saking tenga. Ngunit ng magring ulit ito naalala ko na hindi ko pa pala na click yung answer button kaya kahit na nakakasilaw yung ilaw na galing sa cellphone pinilit ko paring islide yung answer button. Nakakapagtaka man na unregistered number yung nakatatak ay sinagot ko na lamang ito.

Medyo paos ang aking boses at parang mapipiyok na pero pinilit kung sumagot.

"Dana" biglang nagregister sa aking utak ang boses na iyon

Papatayin ko na sana ang tawag kaso nagsalita muli si Nathan "I'm sorry... Hindi ko dapat ginawa iyon"

Pinabayaan ko na lamang siyang magsalita "pinagsisisihan ko na ang mga iyon" dagdag pa nito

"Sana ay mapatawad mo ako at sana maging okay ka kahit saan ka mag punta" hindi parin ako umiimik

Pinakinggan ko lamang siya "Tama ka! Ang tanga ko dahil ginago kita, sinaktan kita at higit sa lahat hindi ko natupad ang pangako ko sayo"

"I hope magiging masaya ka sa piling ni Zach at sana maging masaya kayo ng mga anak mo" medyo naawa na ako dito kay Nathan

"Pinirmahan ko na ang divorce paper at sana mapatawad mo na ako" napaluha na lamang ako

"Ngunit hindi ibig sabihin nang pagpirma ko dito na hahayaan nalang kita"

"Ipapakita ko sayo na kaya kung magbago, na kaya kong maging disenteng tao na may magandang trabaho, ipapakita ko sayo na karapat dapat parin ako para sayo....at " biglang napiyok ang boses niya

"Asahan mong kaya kitang hintayin kahit kailan...kahit sa kabila pang buhay"

Magsasalita na sana ako ngunit nagsalita nanaman siya ulit.

"Tandaan mo na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko at kaya kung iwanan ang lahat para sayo, kung hindi man tayo para sa isa't isa ngayon baka sa susunod na buhay tayo na..at titiyakin kung magiging akin ka na doon...Mahal kita" huling salita na narinig ko galing sakanya at ilang segundo pa ang nakalipas ng marinig ko ang isang malakas na busena ng sasakyan at ang pagbangga nito.

Napatulo na ang luha ko doon hanggang sa humagolhol na nga ako dahil sa halo halong pakiramdam.

Hindi ko alam kung bakit ngunit nasasaktan ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Sabi mo ma-g  b-babago ka para sakin bakit parang iiwanan mo na ako?" sabi ko kahit alam kong may tsansa na hindi na niya ito maririnig dahil maaring nawalan siya ng malay.

"Please wag mo muna kaming iwan...kailangan ka pa nila...kailangan kapa ng mga anak natin.."

"T-ell them I loved t-hem" nagsiunahan ang aking mga luha ng narinig ko ulit ang boses niya sa kabilang linya.

Narinig ko na lamang sa kabilang linya ang malalakas na tunog ng ambulansya at doon unti unting nagsink in saakin ang lahat. Nangyari iyon kay Nathan dahil saakin dahil iniwan ko siya. Nabangga siya ng dahil sa akin. Isang malaking pagsabog naman ang aking narinig at agad na naputol ang tawag.

Mabilis kong hinanap sa contacts ang pangalan ni tito Arthur at agad itong tinawagan ngunit hindi ito mareach. Ilang ulit at ilang beses ko pa sya sinubukang tawagan ngunit wala pa rin kaya napagpasyahan kung tawagan si Mommy.

"Mom" my voice cracked while calling my mother

Iyak pa ako ng iyak noon bago ko nasabi ang pangalan ni Nathan.

"Mom! S-si Natha..n mom"

"Alam ko anak napanood ko sa balita. Noong una ay hindi pa ako masyadong makapaniwala at binalewala nalang muna dahil alam ko na hindi pwedeng mangyari kay Nathan yun at baka kapareho lang ng sasakyan ni Nathan ang naaksidente...ngunit noong tinawagan ako nk Arthur doon ko na talaga nakompirma na si Nathan nga yung naaksidente" pahayag ni Mom.

"I know it's unbelievable maski nga ako di makapaniwala sa mga nangyayari....but pleased anak be strong"

"Mom pinirmahan niga yung divorce .." Pinutol ni Mom ang sasabihin ko na sana

"Alam ko na iyon anak dahil mula sa airport dumaan muna siya dito at ibinigay ang divorce papers niyo"

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa mga nangyayari" saad pa niya sa kabilang linya

"Mom...please keep me updated sa mga mangyayari pa kay Nathan...please" pagmamakaawa ko

"Oo anak...tatawag nlang ulit ako mamaya nandito na ko sa hospital" pinutol na ni Mom ang tawag at nanatili akong nakatulala habang nakatingin sa puting bubong.

"Anything wrong?" Nagulat ako sa pagtanong ni Zach sa akin

"Zach....." napaiyak nanaman ako at madali niya akong niyakap

"Nathan got accident.... Because of me" hinigpitan niya ang pagyakap niya saakin

"He'll be fine for sure" sabi nito

"But I heard a blast sound" sabi ko sakanya

Tinitigan niya ako "you still love him do you?" Tanong niya at tumangk na lamang ako. Lungkot ang namuo sa kanyang mukha at alam kong nasaktan ko siya sa pagaamin ko sa toto kong nararamdaman. Na hanggang ngayon di ko padin kayang magmove on dahil mahal ko parin si Nathan.

"Let's just pray for him" sabi niya saakin.

Lumipas na ang isang linggo at wala na akong narinig na balita tungkol kay Nathan. Hindi narin nababanggit saakin ni mom si Nathan simula noong dumating siya sa hospital. Nabasa ko naman sa isang site ang isang artikulo na patungkol sa nangyaring aksidente noong nakaraang linggo. At hanggang ngayon nagluluksa parin ako. Ayon sa artikulo, walang nakaligtas sa aksidente at wala namang balak magbigay ng pahayag ang ama ni Nathan na si Tito Arthur.

(ding...dong)

Tumunog ang doorbell kaya naman lumabas ako upang makita kung sink ang nagdoorbell. "Ma'am are you Scarlett Scauders?" Tanong ng delivery man

Tipid akong ngumiti "yes" sagot ko

"This parcel is for you... Can you please sign this papers ma'am?" Agad ko namang pinirmahan ang papeles at dinala na sa loob ang package.

"What's that?" takang tanong ni Zach

I just shrug my shoulders "I don't know either"

Tinulungan niya naman agad ako para mabuksan ang box. Kumuha siya ng kutsilyo tsaka niya ito binuksan. Kinakabahan ako dahil sa envelope na tanging nasa loob ng box. Pamilyar saakin ang brown envelope na iyon at tiyak akong galing ito sa pilipinas.

Reach the PeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon