three

147 9 5
                                    

SHEENA

"Daphne, thank you ha!" masayang saad ko kay Daph nang maibigay niya sa akin ang cake na binake niya

"Welcome! Basta para sa inyo ni Inigo" napangiti na lamang ako at nagpaalam na.

11th monthsary na namin at excited na akong ipakita 'to sa kanya. Mag-iisang taon na din kami next month at masaya ako dahil tumagal kami ng ganito.

Lumabas na ako ng bakery ni Daphne at sumakay pumasok sa building kung saan naroon ang condo ni Inigo.

"Good afternoon po!" bati ko kay Ella. Isa s mga receptionist ng condominium.

"Hi Sheena! Si Inigo pupuntahan mo 'no?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko lang siya at akmang maglalakad na palayo.

"Nga pala, may nakita akong kasama niyang babae kanina pag-akyat niya" napatigil ako sa paglalakad at bumalik kung nasaan ang pwesto niya.

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong kinabahan sa sinabi ni Ella. Hindi naman siguro diba? 11th monthsary namin ngayon oh, kilala ko si Inigo. Hindi niya kayang gawin yun.

"Ahh baka pinsan niya lang. Pero kaakbay niya kase eh" Unti unting nanlalamig ang kamay ko at namamasa na rin ang kamay ko. Sobrang kinakabahan na ako.

Hindi ko na alam pa at bigla na lamang ako napatakbo na lamang ako papasok ng elevator at pinindot ang floor ng unit ni Inigo.

Hindi niya magagawa yun diba? Hindi ganun ang Inigo na kilala ko.

Nang tumunog ang elevator kung nasaan ako ay agad itong bumukas kaya dali dali akong naglakad palabas para puntahan ang unit ni Inigo.

Please tell me, it's not true. Tell me it's a lie.

Nang makarating ako sa unit niya ay napatigil ako sa tapat ng pinto. I tried to convince myself na baka nga pinsan niya lang yun. Hindi niya ako kayang lokohin.

I tried to calm myself down and smiled sweetly bago dahan-dahang buksan ang pinto ng unit niya. Fortunately, hindi ito nakalock at madali akong nakapasok.

Para bang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang unit niya. It was a mess. Andaming nagkalat na kung ano ano. Napahinga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad.

Malakas na ang kabog ng puso ko ngunit pinagpatuloy ko parin ang paglalakad. I was walking quietly nang mapadpad ang tingin ko sa isang damit. Lumapit ako doon at dinampot ito. It was a girl's shirt at imposibleng akin ito sapagkat hindi ako nag-iiwan ng mga damit ko sa tuwing bibisitahin ko siya.

Sinubukan ko ring amuyin iyon at amoy babae nga. Hindi rin ganito ang amoy ng pabango ko. Hindi ko alam pero naglakad pa ako patungo sa kwarto niya. With all my might ay kaagad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at halos manigas ang katawan ko sa aking nasaksihan.

"S-sheena" this time, tuloy-tuloy na nagsi-agusan ang luha ko at para bang napawi lahat ng lakas sa katawan ko. Sinubukan kong tumayo ng maayos nginit patuloy na nanghihina ang buong katawan ko.

"I-I'm sorry" Kahit pa malabo na ang paningin ko ay nagawa ko parin siyang tignan ng diretso. Pakiramdam ko ay naguumapaw na ang galit ko. Gusto ko siyang patayin, gusto ko siyang saktan gaya ng pinaparamdam niya sa akin ngayon pero alam kong hindi iyon maaari.

"Sorry? You're sorry?" nilunok ko ang awa at mas pinatatag ang sarili ko.

"Tanginang sorry yan, Inigo. Binigay ko sayo lahat ng gusto mo kahit na wala ng matira para sakin pero tangina naman! Masyado ka namang sakim" gusto kong sigawan siya ngayon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Isang taon na tayo oh! Ah wait, isang taon na pala tayong nagga-gaguhan 'no? I thought you are different. I thought na hindi mo magagawa sakin 'to pero lahat kayo pare-pareho lang! Mga gago! Tangina mo, tangina niya, tangina niyong dalawa!" hingal na hingal ako matapos kong sabihin yun. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong maramdaman sa puntong ito.

"Sige, magpakasaya kayo sa kahayupan niyo. Mga baboy! Wala ka ng maaasahan sakin, Inigo. Tandaan mo yan" Sabi ko saka dire-diretsong lumabas ng unit niya.

Naloko na naman ako. Sa pang-apat na pagkakataon, naisahan na naman ako at pakiramdam ko ay sobrang tanga ko para maniwala sa kanilang lahat. Si Dwayne, Eli, Daniel, tapos ngayon si Inigo. Sawang sawa na ako tangina.

Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba akong maiisahan ng mga manloloko?

"Sheena!" rinig kong sigaw na tawag sa akin ni Ella pero hindi ko siya pinakinggan at dire-diretsong lumabas ng building.

Sawang-sawa na ako!


TO BE CONTINUED..

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon