six

97 9 10
                                    

MAVI

"Anak, bago ka umalis eto oh. Nagbalot ako ng iilang pagkain para sa inyo nila Lex. Make sure to give this to them understood!" napatawa na lamang ako kay Mama. Tuwing dadalaw talaga ako hindi siya mawawalan ng ipapabaon sakin pabalik sa dorm. Kaya mahal na mahal ko 'tong mama ko eh.

"Thank you ma! You're the best! Nga pala, una na ako ha? Magga-gabi na rin eh" Paalam ko kay Mama.

"Sige anak. Ingat ka ha?" humalik lang ako sa pisngi ni Mama bago tuluyang umalis pabalik ng dorm.

Naglakad muna ako papunta sa terminal ng mga bus. Sayang kase kung magta-tricycle pa ako. 10 pesos din yun no. Pambili na ng candy pfft.

"Tangina niyong lahat!" napatigil naman ako luminga-linga sa paligid para tignan kung saan galing ang boses na iyon. Infairness, she's a mood. Charot lang HAHAHA.

"Bakit ba lagi na lang akong naloloko?!" naglakad lang ako ng dahan dahan at binuksan ang payong na dala ko nang maramdaman ko ang pag-patak ng ambon sa balat ko. Mabuti na lang pala ay nadala ko ito.

"Nakakapagod na!" napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko ang isang babae na nakasandal sa barrier at nagsisisigaw. So siya pala 'tong naririnig ko?

-

THIRD PERSON'S

"Bwisit na buhay 'to! Lapitin ng mga manloloko!" sigaw ni Sheena habang nakapikit. Sa totoo lang ay natatakot siya dahil konting katangahan niya lang ay mahuhulog na siya sa tulay kung asan siya.

Nakasandal lang siya sa barrier ng tulay at nakapikit na sumisigaw.

Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Mavi ang pagtawa niya sa babaeng nakikita. Alam niyang hindi ito ang tamang oras para tawanan ito ngunit may kung anong meron sa kanya ang nakapagpa-ngiti sa kanya. Sobrang kakaiba.

"Ang lakas nila maglampungan sa unit niya hindi niya ba alam na maliit lang alaga nun!?" singhal niya. Wala narin siyang pakialam kung unti unting lumalakas ang ulan at nagsimulang mabasa ang damit na suot niya.

Muling napatawa si Mavi sa sinabi ng babae. "Siraulo 'to ah" bulong niya lamang sa sarili.

"Tangina mo, Inigo!" singhal niyang muli.

Bahagyang tumigil si Sheena dahil ramdam niya ang pagod at lamig sa kanyang katawan. Sa totoo lang ay gusto niya ng tapusin ang paghihirap niya ngunit ni hindi niya magawang tignan ang ilalim ng tulay dahil hindi niya gusto ang mga matataas na lugar.

"BWISIT NA ACROPHOBIA 'TO! BALAK MO BA AKONG PAHIRAPAN PANG MABUHAY?! TANGINA NAMAN" sigaw niya muli.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mavi at napalitan ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Acrophobia?" nagtatakang sabi nito sa sarili. Parang narinig niya ang salitang iyon sa kung saan ngunit hindi niya lang matandaan kung saan.

Nakita niyang sinubukang akyatin ng dalaga ang barrier kaya naman nabitawan niya ang baunan at payong niyang dala at akmang lalapitan ito.

"Ayoko ng mabuhay tangina!" sigaw niya.

"Pero ayoko ring mamatay sa ganitong paraan huhu" pagbawi niya habang nakasampa parin sa barrier ng tulay.

"Aaaaahh! Bahala naaa!" balak na sanang umalis ng dalaga sa barrier ngunit sobrang dulas nito dahilan para mamali ang tapak niya rito at agad na nahulog mismo sa tulay.

"Miss!" Sigaw niya. Tila ba nataranta siya at hindi niya na alam pa ang gagawin ngunit napabuntong hininga na lamang siya at nagdesisyong tumalon din kasunod ng dalaga para iligtas ito.

Hindi niya inalintana ang peligro na nakadikit sa kanya ng mga oras na iyon at nagpatuloy lang sa pag-hahanap sa dalaga.

Ilang sandali lang ay nakita niya rin ang katawan nito na tila walang malay kaya nilapitan niyo ito agad at ipinulupot ang braso sa beywang niya para isama ito sa pag-ahon niya.

"Tulong!" sigaw niya nang maka-angat silang dalawa sa tubig habang nakayapos pa rin ito sa dalaga.

"Tulong!" Sigaw muli nito


TO BE CONTINUED..

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon