SHEENA
"Sheen, birthday mo na next week. Nagsabi si Mama na punta daw us ng Jeju" napatingin naman ako kay Jana.
"Luh, bat di sinabi ni Tita yan sakin? Saka wag na uy. Dito na lang tayo sa bahay. Masyadong magastos" sabi ko. Sa ilang taon kong nakatira dito andami ng nagawa ni Tita para sakin at ayoko na masyadong maging pabigat pa.
"Sheena, kung naiisip mong magastos, minsan lang naman kase yung birthday mo diba. Saka lagi ka na lang andito sa bahay"
"Jana, masyado ng madami yung nagastos ni Tita sakin. Okay lang ako sa handaan tapos kasama kayo nila June" sabi ko naman.
"Sheena pleaseee? Last na talaga 'to" napabuntong hininga na lamang ako.
"Pag-iisipan ko"
"Yaaaay! Okay, we'll give you time"
"Oo na. Labas lang ako saglit. Papahangin lang ako saglit" nakangiti siyang tumango. Tumayo ako sa sofa saka lumabas para makalanghap ng sariwang hangin.
Sa taong 'to, andami na palang nangyare. Break up, mga kahihiyan, but despite of that marami naman akong nakilalang bagong kaibigan.
Kung tatanungin niyo ako about kay Inigo, sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko na rin naman kase siya naiisip eh at ayoko na rin naman siyang isipin dahil kinakalimutan ko na ang lahat ng yun. Pero honestly, wala na rin naman akong nararamdaman kapag naiisip ko si Inigo eh.
Ganito ba yung feeling ng maka-move on? Ang sarap sa feeling sa totoo lang.
"Sheena" napatingin ako sa may bandang gate nang may marinig akong tumawag sa akin.
Speaking of him
"Inigo? Ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya lumapit na lang ako sa pinto para buksan ito at siguraduhing siya ba talaga ito.
"Sheena! I'm sorry" nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi ko alam kung itutulak ko siya o kaya tatapikin ko ang likod niya. Halo-halo ang nararamdaman ko.
"Sorry kung hindi kita inisip noon. I'm sorry. Believe me pinagsisihan ko lahat yun. I'm sorry" bahagya akong bumuntong hininga saka tinapik ang likod niya.
"Patawarin mo ako kung naging gago ako"
"Pinapatawad na kita, Inigo. Shh, don't cry" ag-comfort ko sa kanya. It's new na hindi na ako katulad ng dati around him.
"D-do you still love me?" napatigil ako sa itinanong niya. Teka, seryoso ba siya? Bakit pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang mga mangyayare.
"Sheena, mahal pa rin kita. Kahit anong gawin kong paglimot sayo, hindi ko kayang iwan ka" wala na, wala ng spark. Wala na akong ibang kakaibang nararamdaman.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon. And what's weird is...
Bakit naiisip ko si Mavien despite of this situation.
Weird.
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝I know you're afraid of heights but don't be afraid falling for me❞ ➳In which Mavien Choi unknowingly fell in love with the girl he saved ❴𝙿𝚑𝚘𝚋𝚒𝚊 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #1❵ ➤ Choi Seungcheol x Reader [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊 & 𝚗...