seven

99 10 4
                                    

THIRD PERSON'S

"Miss!" napakunot ang noo niya at pakiramdam niya ay may tumatawag sa kanya.

"Miss!" dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Ramdam niya ang sakit ng katawan niya at tila ba'y hindi siya makagalaw ng maayos.

"Miss!" sa wakas ay naibukas na niya na ang kanyang mata.

"Gising ka na!" muling nangunot ang kanyang noo nang sumalubong sa kanya ang isang camel- este hindi pamilyadong lalaki.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" tanong nito sa kanya ngunit nanatili lang ang tingin nito sa dalaga habang nakakunot ang kanyang noo.

"Nawalan ka kase ng malay nung pag-bagsak mo kaya dinala agad kita dito. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nitong muli. Inilibot niya ang mata sa lugar at wala siyang ibang makita kundi puti.

Nasa langit na ba siya? Ang lalaking mukhang camel ba na ito ay isa sa mga anghel? Dalawa iyan sa maraming tanong na umiikot sa kanyang isipan.

"A-asan ako?" Pilit na tanong niya sa lalaki.

"Nasa ospital ka. Tumalon ka kase dun sa tulay eh tapos nawalan ka ng malay" sa puntong iyon ay para bang mas lalong bumagsak ang katawan niya na nalaman niyang buhay pa siya.

Nang makaipon siya ng lakas agad siyang bumangon at muling luminga-linga. Totoo nga siya, nasa ospital nga ito at buhay parin gaya ng dati.

Imbis na maging masaya ay nakaramdam siya ng naguumapaw na lungkot. Bakit hindi na lang siya nawala? Bakit hindi na lang siya namatay? Bakit pa siya narito?

Pakiramdam niya ay tutulo ang kanyang luha kaya agad siyang tumayo mula sa hospital bed at dali-daling naglakad papalabas ng ospital.

"Miss, teka lang!" tawag ng lalaki sa kanya pero hindi siya nag-abalang lumingon pabalik at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas.

"Miss wait lang!" muling sigaw nito ngunit hindi siya nito pinakinggan.

"Miss! Saglit nga lang sabi!" bakas na sa boses ni Mavi ang bahagyang pagkainis nang hablutin niya ang dalaga sa kanyang braso.

"Hindi ka pa pwedeng umalis, hindi ka pa magaling" mahinang sambit ni Mavi sa kanya.

"Bumalik na tayo sa loob please?" nagmamakaawang sabi ni Mavi sa kanya.

Nanatiling malamig ang titig ni Sheena sa kanya at mukhang wala pa ito balak magsalita ng kahit ano.

"Miss"

"Hindi mo ba ako kakausapin?" tanong muli ng binata sa kanya.

As for Sheena, ramdam niya ang bigat ng puso niya. Sobrang nafu-frustrate siya kung bakit pa siya tinulungan ng taong ito na mabuhay.

"Bakit?" napaangat ang tingin ni Mavi sa kanya at bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"H-ha?" tanong niya.

"Bakit mo ko niligtas?"

"Bakit hindi mo na lang ako hinayaan mamatay? Bakit mo ko dinala dito?! Nakatalon na ako oh! Bakit mo pa ako hinayaang mabuhay?!" sa puntong iyon ay tuluyan na siyang trinydor ng kanyang sarili at tuloy-tuloy na umagos ang kanyang luha.

Hindi makasagot si Mavi sa dalaga at nanatili lang siyang nakatingin dito. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib sa inasta ng dalaga. All he knew ay matutuwa ito sa kanyang pag gising at papasalamat siya ngunit baligtad ito sa nangyayare ngayon.

"Hayaan mo na lang ako. Wag mo na akong sundan pa please" sabi nito saka kumaripas ng takbo papalayo sa binata.

Hindi niya alam kung anong meron ang babaeng iyon. Hindi niya alam why he wanted to comfort her until she feels okay. He doesn't know why he wants to know all her problems at damayan ito. He doesn't know why he wanted to be her shoulder cry when she needed one.


TO BE CONTINUED..

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon