nine

99 6 5
                                    

MAVI

"Hoy gising na!" sigaw ko kila Devon na hanggang ngayon ay naghihilik parin. Siraulo 'tong mga 'to alam na masamang laging puyat talagang nagpuyat pa para lang sa online games. Ang sarap pagkakaltukan.

"HOY MAGSI-GISING NA KAYO MGA DEPUNGAL!" sigaw ko mula sa labas ng magkatabing kwarto.

"Hyung naman, ang aga aga pa!" sigaw ni Dave.

"Anong maaga?! Tumayo ka dyan at tignan mo kung anong oras na!" pasigaw na sagot ko. Ilang oras lang ay nagsilabasan na rin.

"Aga mo naman magising" Puna ni Lex sakin. Ewan ko ba at magdamag akong hindi nakatulog dahil sa babaeng yun. Kahit anong gawin ko, lagi siyang pumapasok sa isip ko.

Seryoso yun, hindi ako bumabanat

"Are you thinking of her?" bulong na tanong sa akin ni Seiji at sinamahan ako sa pag-gawa ng almusal bang yung iba ay may kanya-kanya pang mundo.

Napatango lang ako sa kanya. Hindi naman kase siy naniniwala sakin eh. Saka proof na naman siguro yung halos 3 araw akong nawala dito sa dorm.

"Sure ka ba na hindi ka nagsisinungaling?" napatingin naman ako sa kanya ng masama.

"Kailan ba ako nagsinungaling?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Nung isang araw, ayaw mo kong samahan mag-grocery sabi mo may gagawin ka pero naglalaro ka lang naman ng dota" teka lang! Lugi ako dun!

"Sorry na nga. Pero seryoso 'to ngayon. Hindi na ako nagsisinungaling" napabuntong hininga na lamang siya at saka tumango.

"I am believing you now, Mavien. But you should atleast show her face to me" napangiti naman ako agad. Sabi ko na hindi ako matitiis nito ni Seiji eh.

"Yes! I will, Sei" Tumango lang siya at tinapik ang balikat ko. Since I was curious about her, maganda na rin siguro 'to para makilala ko siya everything about her, especially her name.

Teka, para akong stalker sa sinasabi ko. Basta, I just want to know her basic infos like name or saan siya naga-aral.

"Oh, laki ng ngiti mo. Parang kanina lang nakabusangot ka pa" salubong na tanong ni August sakin.

"Gust, marunong ka mag-background check diba?"  tanong ko sa kanya.

"Oo bakit? May chix ka bang ipapa-utos?" Tanong niya habang panay ang pagtaas-baba ng kanyang kilay. Basta talaga pag babae active 'tong isang 'to.

"Wag na nga. Wala akong tiwala sayo" Sabi ko at akmang tatalikuran siya pero agad niyang hinawakan ang balikat ko.

"Joke lang naman. Ito naman si Mavi hindi mabiro" napangiwi na lang ako sa kanya. Biro biro siya dyan tss.

Silang dalawa kase ni Devon ang pinakamatalino dito sa grupo namin. Hindi lang talaga halata yung kay August. Si Devon ay magaling sa usapang technology or games habang ito naman si August magaling s panghahagilap ng information sa social media. Ewan ko ba, kakahanap niya ng chix niya kaya siguro gumaling na din siya dun.

But that was the case now, kailangan kong makilala kung sino yung babaeng yun. I want to know her.

SHEENA

"What?! I told you, Sheena. That guy was a jerk!" singhal ni Jana sa akin. Napayuko na lamang ako.

Kaka-uwi ko lang kahapon at si Jana pa lang ang may alam na nag-break na kami ni Inigo.

"I'm sorry, Jana" hindi ko na mapigilan pa ang luha ko at tuloy tuloy na itong umagos mula sa mata ko. Ilang beses niya na akong pinagsabihan na nahuhuli niyang nambababae si Inigo but I never believed her kase akala ko he was different, akala ko he would not do such a thing but I was wrong.

"Ano pa bang magagawa ko?" I felt that she came near me saka ako niyakap. Kahit na andaming manloloko ang dumaan sa buhay ko, I'm still lucky to have them.

"Don't cry, he's not worthy of your tears. Sana next time matuto ka na. Don't let anyone fool you"

"Nga pala, maghahanda si Mama ng party para sa birthday ko sa Monday. Punta ka ah" napangiti na lamang ako at tumango.

"Of course I'll go"

"Yay! Thank you Sheena!" tumango lang ako at niyakap siya pabalik.

"Nga pala, kamusta na kayo ni Reena?" Reena was her girlfriend. Hindi ko pa pala nakukwento sa inyong she was lesbian.

I support her kung saan siya masaya.

"Still going strong" nakangiting tugon niya.

"I'm so happy for you guys" sabi ko naman.

"Eh yung nangbubwisit sayo?" nawala ang ngiti sa labi niya saka siya bumusangot.

"That August? Geez, he's getting in to my nerve. Bwisit siya" natawa na lamang ako sa reaksyon ng mukha niya. Lagi niyang nababanggit sa akin yung August na binubwisit daw siya nun dahil homophobic daw ang taong iyon at ayaw na ayaw sa kanya.

"Lol, baka naman magkatuluyan kayo niyan" pang-aasar ko pa.

"Ha! Asa siya. Mas gwapo pa ako sa kanya" Bata pa lang kase ito ay mahilig na siya makipag-laro sa mga lalaki at hindi din siya mahilig sa mga barbie dolls kaya madali ko ring nahalata.

"I want to know him, make sure to invite him" Syempre joke lang yun. Gusto ko lang talagang asarin itong si January.

"Ewan ko sayo. Mag-sama kayo" sabi niya saka tumalikod sakin. Mukhang napipikon na talaga siya hahaha.

May kakaibang kutob ako sa August na yun. Sobrang kakaiba.

TO BE CONTINUED..

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon