seventy

45 5 0
                                    

SHEENA

"Asan na ba silaaa?" Rinig kong aligagang sabi ni Jana. Teka, sino bang hinahanap nito?

"Sino ba hinahanap mo? May inimbita ka a bang iba?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"H-ha? Wala. A-ano, may hinihintay lang akong text. Tagal kase eh" napakunot lang ako ng noo saka iiling-iling na inayos ang mga balloons na sinet-up nila June kanina.

"Tita, andami mo namang niluto. Hindi naman natin mauubos 'to lahat" sabi ko.

"Wala lang. Saka minsan lang naman 'to, Shee" pakiramdam ko talaga may tinatago sila Tita at Jana sakin eh.

Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng katok mula sa pinto. Tatayo pa sana ako pero nagulat ako ng kumaripas ng takbo si Jana para buksan iyon.

"SHEENA, HAPPY BIRTHDAY!" naningkit ang mata ko saka muling lumingon sa pinto.

OMG! Sila Gabby!

"Gabrielle? B-bakit—" magsasalita pa sana ako pero niyakap nila ako agad. Jusmiyoo!

"Mga bata kayo, saktong sakto ang dating niyo. Oh kain na" nakita kong tumalon si Patrick at Khier. Talaga naman pag talaga may pagkain nangunguna 'tong mga 'to.

Nakaramdam na naman ako ng kaba. Kung andito silang lahat, ibig sabihin—

"Mavien! Mabuti naman at andito ka na" pakiramdam ko ay unti-unti na namang namumula ang pisngi ko. Sabi ko na nga ba eh.

"Gab" tawag ko kay Gabby na busy makipag-daldalan kay Devon.

"GAB!" lahat sila ay napatingin sa akin nang isigaw ko ng bahagya ang pangalan ni Gabrielle. Alanganin akong ngumiti, eto kasing si Gabby, busy makipag-daldalan sa bebe kaya di ako napapansin.

"Ahh hehehe. Sorry. Sige, kain lang kayo dyan" alanganing sabi ko saka dali-daling hinila si Gabby papunta sa kwarto ko. Kakausapin ko lang, saka isa pa hindi ko naman gusto 'to. Little brother lang ang turing ko baka kung anong isipin ng mga 'to.

"Aray ko naman. Saka bakit ka ba sumigaw kanina?" Tanong niya sakin.

"Bakit kayo andito? At talagang lahat pa talaga kayo ah" hindi makapaniwalang saad ko. Nang itanong ko yun ay luminga-linga siya sa paligid. Parang adik na may pinagtakasan na supplier ng shabu amp.

"N-nagkita lang kami nila Jana kanina. Saka si August hyung nag-aya kase matagal na daw kaming di nakakapag-bonding hehehehehe" s paraan niya pa lang ng pagsasabi ay mukha na agad siyang nagsisinungaling.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pumasada ulit siya ng tingin sa may pinto saka muling tumingin sakin.

"Para kang tanga, adik ka ba?" tanong ko.

"Patay ako kay Jana nito" Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Ha! Kala niya siguro, bingi ako.

"Akong bahala kay Jana. Ngayon, sabihin mo kung bakit andito din kayo" He sighed in defeat saka umayos ng tayo.

"Plinano ni Jana 'to. Actually silang dalawa ni August hyung. Sinabi na ni August hyung samin kanina. Target niyang mapag-ayos kayo ni Mavi hyung. Kami lang nakakaalam bukod sa inyong dalawa" Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala sobrang suspicious ng ginagawa sakin ni Jana nung nakaraang araw. I should've known. Inabala niya na naman si Mavi.

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon