fourteen

74 8 5
                                    

THIRD PERSON'S

"Jana!" saway ng dalaga sa pinsan niya.

"Siya yung irereto ko dapat sayo, Kuya" nanlaki ang mata ng babae saka tinignan ng masama ang pinsan niya.

"Reto? Siraulo ka ba, January?!" natawa lang si Jana sa reaksyon niya

"Ano ka ba, kalimutan mo na kase si Inigo. Gago yun. Dito ka na lang kay Kuya Mavi, good boy kaya 'to" natawa naman si Mavi dahil rinig na rinig niya parin ang sinabi ni Jana kahit na medyo pabulong ang pagkakasabi niya.

"Before anything else. Insan, this is Kuya Mavien. Kaibigan ni August yan pero mas matino siya kay August don't worry. Kuya Mavs, this is Sheena. Pinsan ko obviously" napangiti naman ang binata.

Sheena, what an innocent name

"Nga pala, anyare sa shirt mo, Kuys?" tanong ni Jana.

"Ahh a-ano—" sasagot pa sana si Mavi nang magsalita si Sheena.

"Nabangga ko kase siya so natapon sa kanya yung juice na hawak niya" diretsahang sambit ni Sheena. Napatingin siya sa dalaga.

"Hala. Mag-ingat ka nga sa susunod. Napaka-clumsy mo kase eh. Bigyan mo ng pampalit si Kuya Mavi!" napabuntong hininga na lamang si Sheena.

"Ikaw na lang kaya" kumunot ang noo ni Jana saka pumameywang.

"Kasalanan mo tapos ako ipapakuha mo? Dali na. Kuha lang kayo dun sa damit ni June ako bahala"

"Magagalit si June"

"Hindi yan. Ako bahala" Tinignan lang siya ni Sheena na para bang nag-aalangan kaya binatukan siya agad ng pinsan niya.

"A-ahh Jana. Hindi na. Okay na ako. Konting punas lang 'to" pagtanggi ni Mavi pero hindi siya pinakinggan nito.

"Dali na, Sheena! Nakakahiya kay Kuya Mavi oh"

"J-jana. Hindi na"

"Shh! Hindi pwedeng iwanan ka ng ganyan. Malagkit yan sa katawan kuya. Saka ako na bahala kay June" kapatid ni Jana si June at ayaw ayaw nitong pinapakialaman ang gamit niya pero hindi naman siguro nito malalaman dahil nasa Canada ito ngayon.

"Oo na. Puntahan mo na si Reena. Baka hinahanap ka na nun" mataray na pagtataboy nito sa pinsan. 

"Follow me" naunang maglakad si Sheena mula sa binata. Finally, he had found her again. 

He smiled saka naglakad at sumunod sa dalaga. Umakyat dito ng second floor at halos mapanganga siya sa laki ng bahay nila Jana. Makaluma pero sosyalin ang design ng buong bahay. Nakita niyang huminto si Sheena sa isang wooden door saka binuksan ito.

"You can use the bathoom kung gusto mong magbanlaw" malamig na tugon nito. Tumikhim ito para mabawasan ang katahimikan ng paligid saka nagsimula.

"I'm Mavien Choi. You remember me right?" napatigil sa paghahanap ng damit ang dalaga saka napatalikod at muling hinarap si Mavi.

"I know you. Pinakilala ka na sakin ni January" tipid na sagot nito.

"I-I mean you remember what happened last time?"

❛Acrophobia❜ ┇ SEVENTEEN's Seungcheol✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon