Pahina 1

90 5 7
                                    

Ito 'yong gabi na palagi kong inaabangan dito sa MOA. Live acoustic. May mga ilang kilalang singer o banda na kakanta. Minsan naman open mic. Bukod sa nakaka-enjoy manood, ang ganda rin ng set up kasi ang aesthetic ng dating. Puro ilaw sa mga puno at may ibang nakakalat sa mga damo at daan. Malamig ang simoy ng hangin at maririnig ang paghampas ng alon. Puno ng bituwin ang kalangitan at maganda ang pagiging crescent shape ng buwan. Nakakapayapa ng puso at pagkatao ang tandem ng ganitong klaseng gabi at musika.

"Babe, dito na tayo upo para gitna." Napatingin ako sa lalaki't babae na umupo sa tabi ko. Sa dinamirami ng bakanteng mauupuan, dito pa talaga sa tabi ko uupo't maglalampungan. Nice. Lakas makasampal sa mukha ko na mag-isa lang ako ngayong gabi.

Hindi ako umusog at patuloy lang na nanood at nakinig sa kumakanta. Isang babaeng singer na sumikat sa internet. Ang ganda ng boses. Ang lamig. Nakikipagsabayan sa simoy ng hangin. Ang unfair din kasi ang ganda niya. Panampal na naman sa mukha ko na mukha akong patatas at hindi pa talented. Life sucks, life mocks.

"Ah, miss, is this spot taken?" Napatingala ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Alanganing nakangiti. Wala sa sarili lang akong umiling sa tanong niya, ibinalik ang tingin ko sa stage, at niyakap ang mga binti ko. Naramdaman kong inusog niya kaunti 'yong telang inuupuan ko dahil naglatag din siya ng kaniya. Sa damo kasi kami nakaupo. 'Yong ibang tao sa mismong daanan nakapuwesto.

Nagpalakpakan ang ilan nang matapos kumanta ang babae. May iba nang sumalang nang naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Dinukot ko 'to sa bag na nasa ilalim ng binti ko.

Arj calling. . .

Si Arj. Ano na naman bang kailangan nito? Tumanggi na nga ako sa movie marathon niya dahil pupunta ako rito ngayong gabi. Ayaw niya rin kasing sumama rito dahil gusto nila ng girlfriend niya ay mag movie marathon. Sabi ko sa ibang araw na lang at sumama sila sa akin ngayon kaso nakaplano na raw na ngayong gabi dapat. Pareho kasi silang planner eh. Pumayag na raw ako dati pero hindi ko maalala. Pasensya naman. Mahina ako sa mga plano na 'yan, feeling ko nga dumadalas memory loss ko lately.

Tinitigan ko pa muna sandali ang screen bago sagutin.

"Bes! Hindi na talaga magbabago ang isip mo? Maganda yung line up—hi, Lay! Tara na rito!— ng movies."  Napailing na lang ako. Minsan talaga ang kulit nila. Minsan nagtataka ako ba't hindi pa sila sumasabog kapag pareho silang sumisigaw dahil sa kakulitan.

"Nope. Mind your own business." Nagtawanan sa kabilang linya. Pinagkakatuwaan pa nila ako. Mga mababait talagang nilalang.

"Talaga ba? Final answer, bes?—Final? Final?"  Mga pasaway. Napakamot ako ng ulo.

"Pinal na ang desisyon ko."

"Ano ba naman 'yan!"  Tunog nagmamaktol siya. For sure naka-pout na 'to ngayon. Yuck!

"Bye. Tama na istorbo. Enjoy kayo riyan." Pinatay ko ang tawag. Ibinalik ko sa bulsa ng bag 'yong cellphone ko.

Lalaki na yung kumakanta. Sumikat din yata sa internet. Maganda rin ang boses. Niyakap kong muli ang mga binti ko at ipinatong ang baba ko sa tuhod. Gusto ko talaga 'yong ganitong gabi. Nakakakalma. At walang kaso kung napapaligiran ako ng maraming tao Hindi ko nararamdamang mag-isa ako dahil pakiramdam ko ay may karamay ako. 'Yong iba rito, mukhang pumunta rito para huminga sandali sa mundong nakakapagod.

Nasa kalagitnaan na ng kanta nang mag-vibrate na naman ang cellphone ko. Sino na naman bang istorbo 'to. Napabuntong-hininga ako nang makita na naman ang caller ID ni Arj. Inis ko itong sinagot.

"Ano na naman?"

"Naiinis ka? Sungit! Meron ka?"  Napairap ako kahit hindi niya nakikita.

PaghilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon