Nangunot ang noo ko. Nawala ang awkward na ngiti niya.
Nagkatitigan.
Ha?
Pareho yata kaming naguguluhan. Una, hindi kami magkakilala, so hindi kami close. Pangalawa, ang feeling close ng pag-alok niya. Pati yata siya naguguluhan at nagulat sa ginawa niya.
Uhm. . . ano na?
Nangiti siya ulit, awkward pa rin, at saka nailing. "Piattos?"
"Ha?" Wala sa sariling tanong ko.
Nagtanong siya uli. Ngumiti lang ako at umiling. "Salamat."
Ibinalik ko na ang tingin sa stage. Kaya lang nakalimutan kong nandoon nga pala yung magaling kong ex at ang girlfriend niya. Bumaling ako sa kaliwa ko. Kanina lang ang tahimik nila tapos ngayon naghaharutan na. Napansin yata ng babae na nakatingin ako. Sinamaan niya ako ng tingin so umiwas na lang ako at umusog kaunti palayo sa kanila.
"Akala mo naman aagawin ko 'yong jowa niya. Tulungan ko pa siyang isaksak sa baga niya eh." Inis kong bulong.
"Piattos?" Napatingin ako sa kanya. Mas napalapit pala ako sa kaniya kaya umatras ako kaunti. Pero natatakam din talaga ako sa piattos eh. Paborito ko yon dahil sour cream ang flavor.
"P'wede?" Nahihiya kong tanong.
"I already asked you several times. What do you think?" Sabi niya sa tonong seryoso na may halong biro. Ah, basta ganon. Hindi malaman kung seryoso o nagbibiro. Parang 'yong magaling kong ex.
Kinuha ko sa kamay niya ang piattos na hindi pa nabubuksan dahil nova ang nilalantakan niya.
"Oks lang talaga?"
Nagkibit-balikat lang siya. "Okay lang naman." At saka siya tumingin sa akin. "Ikaw, oks ka lang?"
Nangunot ang noo ko. Alam kong hindi dahil sa piattos 'yong tanong. "So nakikinig ka kanina?"
Nagkibit-balikat lang ulit siya. "Maybe." Wow. Feeling close na nga, chismoso pa. Nakatingin na siya sa stage. Ayaw kong tumingin d'on. May panira.
Sinubukan ko namang buksan yung piattos kaya lang ayaw yatang magpakain.
"Here," kinuha niya ito sa akin at binuksan nang walang kahirap-hirap.
"Thanks." Bulong ko. Tumango lang siya.
Kumain lang ako nang kumain habang nakikinig at nakatingin sa langit. Ang ayos-ayos ng umaga ko simula kanina eh. Pero gano'n siguro talaga kapag sobrang ayos lahat ng bagay, biglang magugulo pagdating ng dulo. Wala talagang perpekto. Kahit itong pagkakataon na gusto kong mapayapa, hindi pinalampas.
May humarang na bote sa mukha ko. Coke. Nangunot na naman ang noo ko at napatingin sa lalaking katabi ko. Quota na ako sa pagkunot ng noo ngayong gabi. Bibilis ang pagtanda ko nito eh.
"What?" Tanong niya. Kanina awkward siya ah? Ba't biglang feeling close na talaga?
Kinuha ko 'yong coke. "Paano ka?" May tinaas siyang isa pang coke. Bakit mukhang pangdalawang tao 'yong dala niyang pagkain? "'Yong totoo? May kasama ka ba dapat ngayon pero 'di ka sinipot?" Tipid lang siyang ngumiti, yung peke. "Mayro'n nga?"
"Maybe." Mabilis niyang sagot. Tumango lang ako. Mukhang ayaw naman niyang pag-usapan. Saka hindi naman kami close para pilitin siyang sabihin.
Pero nice. Libreng food galling sa isang stranger. Nakakagana talagang kumain kapag libre. Masaya lang akong kumakain at pilit iniiwas ang tingin sa gilid ng stage nang mag-vibrate ang cellphone ko. Ang kulit talaga ni Arj. Kinuha ko ito at sinagot agad.