Pahina 7

20 3 5
                                        

"So, ilang buwan ka nang broken hearted?" Nakapatong sa arm rest 'yong braso niya habang nakapatong sa palad niya ang baba niya. Mukhang interesado talaga siya sa love life ko. Chismoso kasi kanina. Ide-deny pa niyang hindi siya nakikinig sa phone call namin Arj.

"Basta wala pang dalawang buwan. Katamad na magbilang tutal parang ang tagal ng proseso para maka-move on." Niyakap ko ang bag ko at napatingin sa labas. Wala na ring tao. Bihira na lang ang mga naglalakad. Kahit dito sa shop, iilan na lang kami eh.

"Tapos siya mayro'n na agad?" Pag-uusisa niya.

"Chismoso." Natatawa kong tukso habang napapangiti rin siya. "Oo, may bago agad. Siya 'yong nakausap ko kanina tapos feeling close ka, makapagsabi kang magkasama tayo ah?"

Napalakas ang tawa niya. Pakiramdam ko tuloy bihira lang siyang tumawa nang ganiyan. Kanina kasi ngingiti lang siya eh.

"Baka kasi kailangan mo ng tulong na magliligtas sa'yo sa conversation. Parang tanga ka kasi kanina. Nakatingin ka lang sa kaniya." Tumaas ang dalawang kilay niya na para bang ipinapamukha 'yong kagagahan ko kanina. Edi siya na ang matino mag-isip.

"Hinay naman tayo sa pagsasabi ng tanga." Tinuro ko ang puso ko. "May sugat pa oh. Ouch! It really hurts!" Umakto ako na parang nasasaktan kahit hindi na kailangang iakto dahil true to life naman sa pakiramdam.

Binato niya ako ng tissue. "Ayan itapal mo."

"Sira. Hindi naman mawawala 'yong sugat kung tatapalan mo lang. Tinago mo lang sa iba pero hindi sa sarili mo. Magdurusa ka pa rin." Sabi ko habang umaayos ulit ng upo.

"Lalim." Sabi niya habang tumatango.

Sabay kaming napahinga nang malalim. Kapag talaga nasasaktan ka, kahit tumawa ka na, babalik ka pa rin sa pag e-emote. Isang sumpa.

"Bad trip nga ako sa ex ko na 'yon. Pinahiram sa bago niya 'yong jacket na ayaw niyang ipahiram kahit kanino. Kahit sa akin!" Nahampas ko ang arm rest ng inuupuan ko. "Samantalang 2 years kaming nagsama! Sila wala pang 2 months yata." Malungkot akong tumitig sa sahig.

Wala siyang sinasabi kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento.

"Pero wala naman talaga sa tagal 'yon. Baka espesyal talaga 'yong babae." Nararamdaman ko na ang paghapdi ng mga mata ko. "Sorry naman. Ganito lang ako eh." Nagkibit-balikat ako bago pahirin ang luhang tumakas sa mata ko. Anak ng! Umiiyak lang ako kapag lasing eh. Kape lang naman ininom namin.

"Marami rin akong naging ex. G na G ako humanap ng pagmamahal sa ibang tao eh. Kaso wala. Naiiwan din sa huli. Tapos hindi ko rin maiwasang ikumpara 'yong sarili ko sa mga ipinalit nila sa'kin. Tuwing tinatanong ko sila kung bakit, palagi nilang pinupuna 'yong mga kulang sa akin. Kesyo hindi nila ako maramdaman, hindi pa raw ako handa, ayaw ko raw magpahalik at magpayakap, KJ daw ako palagi, may sarili raw akong mundo, baduy ko raw. Wala raw espesyal sa akin. Tinanggap ko na lang. Humingi na lang ako ng tawad. Totoo naman. . . yata? Baka nga totoo." Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan bad trip!

"Gusto ko lang namang may magmahal sa akin. May mag-alaga. Buong buhay ko kasi pakiramdam ko parang pinagkait sa akin lahat ng 'yon." Napahilamos ako ng mukha at tahimik na humikbi. Hindi ko naman kasi 'to nasasabi sa iba. Kapag kasi nagtatanong sila kung kumusta ako, parang trip lang naman nilang tanungin. Part lang ng conversation. Pakiramdam ko hindi sila handang marinig lahat.

Sinilip ko si Abra. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko kung paano siya tumingin sa akin. Parang gusto niya akong tulungan pero hindi niya alam kung paano. Tumingin ako sa labas pero dinuro ko siya. "'Wag kang tumingin nang ganiyan. Parang kawawang kuting naman ako niyan." Pagkatapos ay nagpahid ulit ako ng luha.

PaghilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon