Pahina 4

27 3 3
                                    


"Okay." Pagsang-ayon ko. Mukhang ang laki ng problema niya sa buhay. Dapat buhay na lang niya ang isulat niya eh.

"Thank you!" Halos mabigat na hangin ang pinakawalan niya.

Sumimsim ako sa kape. Medyo malamig na.

Tumingin ako sa labas. Glass wall kasi. Mukhang tapos na ang live acoustic dahil nagsisialisan na ang mga tao. Ibinalik ko ang paningin sa kape. Baka kung sino na namang makita ko sa labas. Malas talaga na nakita ko pa siya ulit at mukhang okay na siya. Wala pa nga yatang 2 months. Ang bilis naman yata? Paano kaya 'yon? Nag-enroll kaya siya sa course na how to move on from your ex? Saan kaya? Maitanong nga kasi napakagago talaga kung siya lang ang naka-move on sa aming dalawa. Unfair, world!

"Let's start."

Napatingin ako sa lalaking feeling close ngayong halos madaling araw na may hawak na notebook at ballpen. In fairness ang ganda ng notebook, bet ko i-arbor. May isinulat siya ro'n pagkatapos ay iniharap niya sa akin ang papel at inabot ang ballpen.

"Ano 'yan?" Hindi ko pa rin tinatanggap 'yong ballpen kaya nilapag na lang niya sa tabi ng notebook.

"Read it." Masungit na sabi niya bago sumimsim sa kape.

"Sungit ah? Ako hinihingan mo ng favor 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang pilosopo mo." Napakamot siya sa ulo.

"Thanks, compliment 'yon para sa akin. Saka try mong mag-shampoo, baka dandruff lang 'yan." Tinuro ko 'yong buhok niyang kanina pa niya kinakamot kapag naiinis siya sa akin.

Napaawang lang ang bunganga niya, hindi niya siguro alam kung maiinis o matatawa siya sa akin.

Kinuha ko ang notebook at binasa ang nakasulat. May nakasulat na kasunduan. "La? Ang poga mo naman kung ganito lang ang kasunduan? Dapat printed at legal."

Napatanga siya sa akin. "What?"

"Hello? Nandito ka ba sa Earth? Balak mong gawing inspirasyon ang buhay ko tapos ganito lang ang agreement paper? Lugi sa'yo. Saka akala ko ba writer ka? Dapat alam mo 'tong mga ganito. Pinag-aralan niyo naman siguro 'to 'di ba? Bakit parang-"

"I wasn't prepared. Sorry." Bagsak ang balikat niyang napayuko sa lamesa. "Hindi ko naman akalain na makikilala kita ngayon. Ang alam ko lang, may ka-date dapat ako. . ." Bulong niya.

"Na hindi ka sinipot." Pagpapatuloy ko sa sinabi niya. Tumunghay siya sa akin habang nasa lamesa pa rin ang ulo niya.

"Hindi ka naman mapanakit 'no?" Walang emosyong tanong niya.

Ngumiti ako, umiling. "Mas mapanakit ang buhay ko."

Umayos siya ng upo. "May free day ka ba? P'wede bang magkita na lang tayo ulit? Para may maayos na tayong agreement paper."

"Ayaw." Sagot ko.

Mukhang hindi na niya alam ang gagawin niya. Desperado ba talaga siya? Parang nakasalalay ang buong buhay niya kapag hindi niya nalaman ang istorya ko ngayong gabi.

Bumuntong hininga siya. Inilabas niyang muli ang cellphone ko at nilapag sa harap ko. "Sorry sa abala. Ni hindi man lang ako humingi nang maayos na consent sa'yo kanina. Napagkamalan mo pa akong budol-budol."

Nakatingin lang ako sa kaniya, nagtataka. Kinuha niya ang notebook at ballpen at ipinasok sa bag niya. Mukhang aalis na. Gano'n na lang 'yon?

"Susuko ka na agad?" Napatigil siya sa tanong ko. "Baka naman artista ka rin ah? Galing mong umarte nakakaawa ka. Tara na nga! Simulan na ang pagkukwento. Basta walang iyakan, g lang."

"Wait, what?" Naguguluhang tanong niya. "Pumapayag ka na ba?"

Tumango ako.

"For real?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ayaw mo na yata eh. Okay lang nam-"

"Thank you!" Masiglang sabi niya tapos ay inilabas muli ang notebook at ballpen niya. Feeling ko tuloy nag-inarte at nagpaawa lang siya kanina. Naisahan niya ba ako? "P'wedeng i-sign mo pa rin 'to?"

"Hindi na." Ikinumpas ko ang kamay ko dahil ibibigay niya ulit 'yong notebook.

"Sure ka?" Nag-aalinlangan pa siya.

"Sure. Wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung may mapupulot ka bang inspirasyon." Tinungga ko ang kape na kanina pa malamig. "Malamig na kape ko. Kape pa ba 'to?" Reklamo ko.

"Mareklamo ka sa buhay 'no?" Natatawa nitong sabi bago nailing. "Order na lang ako ulit. Gusto mo ng cake?"

"Reklamo na lang naman kasi ang magagawa ko kapag hindi ko na kayang takasan. And yes, please. 'Yong chocolate sana."

"I'll take note of that." Sabi niya bago tumayo at pumunta sa counter. Hindi ko alam kung ano ang ita-take note niya. Pero baka 'yong unang sinabi ko. Writer siya at mukhang mahilig humugot. Baka magamit niya someday lahat ng mga walang kabuluhang mababanggit ko ngayong madaling araw.

Binuksan ko ang cellphone ko. May mga messages na pala.


From Arj:

Nakauwi ka na ba?

Sagutin mo text ko. Nag-aalala kami ni Pia.

Hoy, Lay! Sagutin mo tawag ko.


Ah, tumawag pala siya kanina. Ginawa sigurong silent ng mokong na 'yon. Pakialamero talaga.


From Ate:

Tumawag si tatay. Bakit daw binabaan mo siya ng tawag? Mag-iiwan ako ng pera sa lamesa. Ipadala mo sa kaniya bukas. Anong oras ka ba uuwi? Mag-iingat ka. Matutulog ako sa bahay ng boyfriend ko.


Wow. Sana lahat pumapag-ibig at walang dinadalang sama ng loob.


From 0920*******:

Sana nakauwi ka nang maayos. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan 'yong kasama mo kanina.


"Yawang ex 'to." Pinatay ko ang cellphone ko nang may maglapag ng cake at kape sa harap ko.

"Pasmado talaga bunganga mo 'no?" Naupo na rin siya sa harap ko. May sarili rin siyang kape at cake.

"Sorry not sorry." Wala sa sarili kong sabi bago nilantakan 'yong cake. "Hindi ba magsasara 'tong shop?"

Baka kasi hindi pala 'to 24/7 na bukas. Sayang naman order kung paaalisin din kami mayamaya. Katamad mag-take out.

"24/7 'to, 'wag kang mag-alala. May oras ka para magkuwento ng mga paghihirap mo sa buhay." Sabi niya sa excited na tono at nilantakan na rin niya ang cake niya habang may kinakalikot sa phone.

"Wow ah? Ikaw lang yata ang excited marinig ang paghihirap ng ibang tao. Parang gusto kong ma-offend kaya para it's a tie, dapat magkuwento ka rin ng iyo."

Doon siya napatunghay sa akin. "Kuwento mo ang aalamin natin dito. 'Wag mo na akong idamay. Saka hanggang 5am lang tayo." Determinado niyang sabi.

"Kasya na ang hanggang 5 am para sa ating dalawa. Kapag hindi ka pumayag, magba-back out ako." Ipinatong ko ang braso ko sa lamesa at nagpangalumbaba. Ngumiti ako para asarin siya.

"Libre ka na nga eh." Ngumiti rin siya at ginaya ang itsura ko. Mukha kaming tanga na parang nagpapa-cute sa isa't isa.

"Kaya kitang bayaran ngayon dahil sa mga nilibre mong pagkain. Pero 'yong mga malalaman mo mamaya, mahirap para sa akin na ibahagi 'yon. Hindi rin natutumbasan ng pera. Kaya para fair, mag-share ka rin." Lalong lumaki ang ngisi ko habang lalong kumunot ang noo niya.

"Unbelievable." Naaasar siyang sumimsim sa kape niya. "Deal." Sabi niya kahit hindi buo ang loob.

09092020 4:28PM

PaghilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon