Pahina 9

12 3 5
                                    

"Saan mo nakilala 'yong best friend mo?" Curious na tanong niya.

"Diyan diyan lang." Malokong sagot ko.

"Pilosopo talaga."

Sabay kaming natawa.

"Kapit-bahay namin sila dati rito sa Maynila. Siya 'yong una kong naging kaibigan. Noong lumipat siya ng bahay, hindi naman nawala ang communication namin sa isa't isa."

Sobrang bait kasi no'n ni Arj. Hindi ako nilubayan hangga't hindi kami naging magkaibigan. Kawawa naman daw ako kung wala akong kaibigan sa Maynila, isa-sacrifice na lang daw niya ang sarili niya. Ang bait talaga eh. Sarap sakalin. Pakiramdam ko sa kaniya ako natuto maging pilosopo sa mga kausap ko.

"Pero sobrang bait talaga no'n kahit alam niyang ayaw kong magkuwento ng buhay ko. Naiintindihan niya palagi kahit parang wala siyang alam sa akin tapos ako halos alam ko buong buhay niya. Napakadaldal kasi eh! Tapos pinakilala niya 'yong girlfriend niya. Ang tagal na rin nila ngayon. Sobrang bait nila pareho sa akin. Hindi nila ako nakakalimutan o iniiwan kahit minsan nilalayo ko 'yong sarili ko sa kanila." Nakakalungkot tuloy. Ang espesyal ng turing nila sa akin pero hindi ko masuklian.

Naramdaman kong tumingin siya sa'kin. "Bakit ka naman lumalayo?"

Nagkibit-balikat ako. "Takot na akong magtiwala. Ang hirap na ma-attach masyado."

"Kasi?" Mukhang interesadong interesado siya.

Nilingon ko rin siya. "Kasi chismoso ka."

Binato niya ako ng balot ng chocolate sa mukha saka malakas na tumawa.

"May sayad ka talaga."

"Thanks!" Ngumiti ako at nag-beautiful eyes kahit kadiri sa pakiramdam.

"Confirmed." Tumango-tango siya.

"Na cute ako? Thanks ulit!" Maloko akong ngumiti.

"Confirmed na baliw ka nga."

Binato ko siya ng bote ng tubig na walang laman. "Basher ka lang talaga."

"Ano nga kasi? Ba't takot ka na magtiwala ulit?"

"Lagi kasi akong iniiwan."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, pareho lang kaming natigilan. Ang hirap talagang tumawa. Hindi mo alam kung kailan ka malulungkot bigla.

"Saka masyado pa akong sira. Ang dami ko pang sugat. Hindi pa ako handa." Malungkot akong natawa. "Pero hindi ko rin alam kung kailan ako magiging handa o magiging handa pa ba ako."

Sabay kaming napabuntong hininga. Pero ngayon ko lang naisip, ang tanga ko pala talaga na jowa ako nang jowa eh takot naman akong magtiwala? Siguro, iba talaga ang nagagawa ng trauma sa mga tao. Kaya rin siguro nila ako iniwan kasi hindi ko naman talaga sila pinagbubuksan.

"I feel you." Bulong niya.

Mukhang pareho nga kami ng problema. Hindi pa namin kayang magbukas ng pinto sa iba kung hindi pa kami tuluyang naghihilom.

"May ikukwento ka pa ba about sa friends?" Tanong ko matapos ang saglit na pananahimik. Mag a-alas kwatro na.

Umiling siya. Mukhang nagkakaintindihan naman kami.

Tugtog lang sa radyo ang maririnig nang pareho kaming natigilan.

Mukhang pag-uusapan na namin ang pinaka-sensitive na topic ng buhay namin.

Pamilya.

Ano nga ba ang pamilya? Sila ba 'yong unang nagmahal sa'yo? Mga importanteng tao ba sila sa buhay mo? Kasama mo sa lungkot at saya? Mga una mong nakaaway? Nakagalit? Ewan. Lumaki naman akong naguguluhan sa pamilya ko.

PaghilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon