Paghilom

31 3 0
                                    

PAGHILOM

Maghihilom sa sugat ng kahapon

Palalayain ang sarili na umahon

Sa mga sakit at mga pait na ibinaon

Kasabay ng paglipas ng panahon


Paghilom

Ika'y lumaya

Paghilom

Ika'y lumaya


Huwag sisihin ang sarili sa pagtakas

Ngunit baka ito na ang tamang oras

Na balikan ang dahilan ng mga bakas

Upang simulan ang pagwawakas


Paghilom

Ika'y lumaya

Paghilom

Ika'y lumaya


Sarili ay patatawarin, patawad ay diringgin

Kapayapan ay pipiliin, sisimulang tanggapin


Paghilom

Ika'y lumaya

Paghilom

Ika'y lalaya na

Paghilom

Ika'y lumaya

Paghilom

Ika'y malaya na.


- La Kapitana

PaghilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon