CHAPTER-3

1.7K 75 21
                                    


Tulad ng inaasahan, nagpakabusy si Sarah sa project na hawak niya, lagi siyang na site minsan gabi na din nakakauwe, kaya wala na siyang time pumunta ng Bar,

Gaya ng dati nag overtime nanaman siya sa office,

Trixie: babe di ka pa ba uuwe? late na

Sarah: mauna ka na trix, tapusin ko lang to, need to sa presentation para bukas,

Trixie: sure ka? pwede naman akong magstay kung kailangan mo ng kasama,

Sarah: hindi na, alam ko ding napagod ka maghapon, sge na umuwe ka na,

Trixie: ok, umuwe ka na din pamaya maya. masyado ka ng nagpapakastress dyan, bye babe

Sarah: bye. ingat

Nang matapos niya ang dapat ayusin, naisipan niyang tawagan si Tanch, simula kasi nung unang message nila hindi na niya naisipang itext si Tanch sa sobrang busy niya.

Kasalukuyan namang nag aayos si Tanch ng kanyang gamit kasi may lipad siya bukas papuntang New york ng marinig niyang nag riring ang cellphone niya.

Sarah calling.........

Sarah: Hello Tanch?

Tanch: Hi, ahmmmm bakit ka napatawag?

Sarah: nakaistorbo ba ko?

Tanch: ahh hindi nman, bakit ba?

Sarah: pwede ba tayong magkita ngayon kahit sandali lang, kailangan lang talaga

Tanch: may problema ba?

Sarah: wala nman, kailangan lang kita talgang makita, kahit daan lang ako dyan sa inyo.

Tanch: ang weird mo ha, gusto mo lang akong makita?

Sarah: oo ganun na nga. pwede ba? nasan ka?

Tanch: nasa condo, dito sa field residences

Sarah: sa paranaque?

Tanch: yup

Sarah: papunta na ko,

Tanch: seryoso ka talaga?

Sarah: seryoso ako!

Tanch: Tawagan mo nalang ako pag nasa gate ka na, baka hindi ka kasi papasukin e

After 20 mins nakarating si sarah sa condo nila Tanch,

Hindi na niya tinawagan si Tanch, kasi Family friend nman nila may ari ng condominium kaya anytime pwede siyang pumunta dun. Pagdating niya sa harap ng building agad niyang tinawagan si Tanch

Sarah: Tanch nandito sa harap ng building niyo

Tanch: huh??? paano, wait bababa nako.

Nakangiti niyang sinalubong si Tanch, tinitigan niya muna ito, namiss niya kasi ang mukhang iyon.

Tanch: paano kang nakapasok ang higpit ng security dito.

Sarah: Family friend namin may ari nito

Tanch: ay oo pala, gusto mong umakyat muna maam sarah.

Sarah: grabe naman wag nman maam, Hindi dito nalang, gusto lang talaga kitang makita

Nag-usap sila sa harap ng building habang nakaupo sa harap ng sasakyan ni sarah,

Tanch: Bakit ba? ang weird mo from makati nag abala kang pumunta dito para lang makita ako?

Sarah: I've been stressed lately and bukas may presentation ako with our investors, kailangan ko lang ng inspiration.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now