CHAPTER 6

1.7K 74 11
                                    


TANCH'S POV

Nagfile ako ng leave para umuwe sa Butuan, halos 2 months na din akong hindi nakauwe namiss ko na yung baby ko, Kung pwede ko lang sana siyang isama dito sa Manila matagal ko ng ginawa, kaso walang magbabantay sa kanya and for sure hindi din papayag si David na hindi niya makita ang anak niya.

Flashback

Tanch: Babe, kailan ba natin pag uusapan ang about sa kasal?( Tanong ko habang yakap ko siya)

David: pag hindi na ako busy,( sabay iwas sa akin)

Kung kailan naging fiancee niya ako saka naging malabo, Ngayon pa na may anak na kame.

Nang sumunod na buwan naging mas malabo lalo ang status namin, Busy siya lagi sa cellphone niya. Kesyo trabaho daw, Naiintindihan ko nman siya.

Ilang linggo pa ang lumipas lalo siyang nawalan ng time sa amin at sa baby ko. Nagsasawa na ako sa kakalambing ko sa kanya, Minsan nag-aalala na ako kung anong nangyari sa taong mahal ko.

Hanggang sa nagtaka na ako, sinundan ko siya, Hindi sa naghihinala ako pero iba ang nararamdaman ko, May tinatago sa akon si David.

Halos dalawang oras akong sunod ng sunod sa kotse niya. Maya maya pa tumigil siya sa tapat ng malaking bahay, Pinagmasdan ko siya habang binababa ang mga laruan na pinamili niya,

"Daddy" Halos kumabog ang dibdib ko sa narinig ko kong sigaw ng batang lalaking sumalubong sa kanya.

David: oh may pasalubong si Daddy. ( sabay abot sa mga dala niyang mga laruan)

Mas kumabog ang dibdib ko nang makita kong sinalubong din siya ng isang babae

"Hon, ang aga mo ah" ( sabay halik sa labi ni Dave)

Hindi ko na narinig masyado ang iba nilang pinag uusapan. Halos hindi ako makagalaw sa sa kinalalagyan ko, hindi ako makapaniwala sa nakita at nalaman ko.

Hindi ko nagawang sugurin sila, wala akong lakas para gawin yun, ang nasa isip ko lang ay yung baby ko.

Hinintay ko pa rin siya umuwe kinagabihan, hanggang sa umaga na walang David na umuwe. 7am na ng umaga ng umuwe siya.

"Babe saan ka galing?" tanong ko sa kanya, hindi ko pinahalata na may alam na ko.

Hindi siya sumagot sa akin, doon hindi ko na napigilan ang sarili ko,

Tanch:"Babe, sumunod ako sayo nakita ko lahat"

David: Babe

Tanch: "Huwag mo kong hawakan" ( sigaw ko sa kanya ng hahawakan niya ako)

David: Tanch let me explain.

Tanch: Dahil ba mabait ako, dahil ba hinahayaan lang kita sa mga gusto mo, David ilang buwan ako nagtiis sa panlalamig mo, Naghihintay ako sa kasal na pinangako mo sa akin, sa buhay na pinaplano mo para sa pamilya natin. Pero ano? May pamilya kang iba!!

David:Tanch magpapaliwanag ako!

Tanch: Magpapaliwanag!! nakita ko na lahat lahat. paano mo ipapaliwanag na may asawa at anak kang iba bukod sa amin. Ginago mo ko David, bakit mo pa ako binuntis bakit mo pa ako pinangakuan ng kasal kung ganito lang din..!!!

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now