CHAPTER-40

1.5K 87 74
                                    



Halos madurog ang puso ni Nikki ng makarating sa kanya ang balita na wala na si David. Minahal niya si David, kahit alam niyang hindi siya mahal nito, Nasasaktan siya para sa maga anak niya,

Agad siyang lumuwas ng Manila para asikasuhin ang mga labi ni David, para maiuwe na ito sa Butuan. Nalaman na din niya ang lahat ng nangyari, Nalaman niyang nasa critical condition si Sarah,

Dumaan muna siya sa hospital para silipin ang kalagayan ni Sarah, Bigo siyang makita si Sarah dahil nasa ICU ito, naabutan niya sa labas si Tanch na umiiyak.

Nikki: Gustuhin ko mang sisihan ka sa lahat ng nanagyari, hindi ko na gagawin yun, dahil hindi na maibabalik ang buhay ng asawa ko, wala ng ama ang mga anak ko.

Tanch: Hindi lang ikaw ang nasasaktan ngayon Nikki, nawalan din ng ama ang anak ko, Pare parehas nating hindi ginusto ang nangyari, Tignan mo ngayon nag aagaw buhay pa rin si Sarah.

Nikki: Hindi nalang sana umabot sa ganito ang nangyari, Hindi sana nawala si David, hindi sana nag aagaw buhay si Sarah,

Tanch: Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa dun, Magpakatatag ka nalang para sa mga anak mo.

Nikki: at alam kong lalaban si Sarah para sa inyo, malalagpasan niya yan. Ako na ang hinhingi ng paumanhin kung ano man ang nagawa ni David sa buhay niyo. Sana sa pagkawala niya napagbayaran na niya lahat ng atraso niya sa inyo.



Maghapon magdamag hindi umaalis si Tanch sa tabi ni Sarah.

Maya maya pa pinatawag na sila ng Doctor ni Sarah para ipaliwanag ang kalagayan nito.

Doctor Casallo: According to the CT scan results the patient has subdural hematoma,
It is a buildup of blood on the surface of the brain. The blood builds up in a space between the protective layers that surround our brain, it is due to the impact during the car accident. maaring tumama ang ulo niya sa isang matigas na bagay, Kaya nasa Stage siya ngayon ng Coma, Kailangan kaagad siyang maoperahan ulit para maalis yung namumuong dugo sa ulo niya.

Mommy Rhea: Doc is there a chance na mabuhay yung anak ko pag naoperan na siya.

Doctor casallo: In her case, there is a chance na mabuhay siya, and there is a chance na hindi, masyado po kasing kalat yung namumuong dugo sa ulo niya, and dumagdag pa yung ibang injuries niya sa katawan, kaya napakadelikado ang kalagayan niya ngayon, I might say na there is a 50:50 chance.

Napaiyak nalang silang lahat ng marinig iyon.

Daddy Edward: Doc gawin niyo ang lahat to save my daughters life.

Doctor casallo: We will do our best, and I know she is a fighter lumalaban siya.

Bago pa sumalang sa operation si Sarah, pinuntaham muna ito ni Tanch, para kausapin, alam niyang naririnig siya nito.

Love , miss na miss na kita, laban ka ha, maraming naghihintay sa pagbabalik mo, Alam mo ba, nung araw na sinagot kita, isa iyon sa pinakamasayang araw ng buhay ko, kasi alam ko nasa tamang tao na ako. I feel safe and comfortable pag niyayakap mo ko pinaaparamdam mo lagi sa akin na ako ang pinaka maswerteng babae sa mundo. Ni minsan hindi mo ko kinahiya, pinaglaban mo pa ako kahit kapalit nun ay relasyon mo sa mga magulang mo. Mahal na mahal kita love, at hindi magbabago yun, Ikaw ang huling babaeng mamahalin ko. Ikaw lang. Magising ka lang, lalayo ako sayo, para na rin sa ikaliligtas mo, ang dami kong dinalang problema sayo. Sa paglayo ko magiging ok na lahat. Maibabalik mo na din ang nasirang relasyon mo sa mga magulang mo, makakabalik ka na sa company niyo. Lalayo man ako pero ikaw pa rin ang mananatiling laman ng puso't isipan ko. Mahal na mahal kita love, Ikaw lang hanggang dulo.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now