CHAPTER 44

2.2K 113 40
                                    



TANCH's POV

Simula ng gabing umalis ako sa hospital at iwanan ng ganun ang kalagayan ni Sarah, walang araw na hindi ko siya naiisip. Sometimes I wish she is with me, so I could tell her how much I need her and how hard every day has been without her.

When I missed her, sometimes I listen to music or look at pictures of ours not to remind me of her but to make me feel as if Im with her.

Mahirap yung naging desisyon ko pero ginawa ko ito para sa aming dalawa. Umaasa ako na pag nagising na siya ay maiintindihan niya ako. Na sana hindi mawala ang pagmamahal niya sa akin at sana hindi siya magsawang maghintay sa pagbabalik ko.

Ganun nalang ang saya na naramdaman ko ng malaman ko na nagkamalay na siya at naalala niya ang lahat. Alam kong hihintayin niya ang pagbabalik ko.

Nabanggit din ni Mommy sa akin na dinalaw niya si Davi, natutuwa ako kasi ramdam ko hindi nawala ang pagmamahal niya kay Davi. Sinabi din sa akin ni Mommy na hinahanap ako ni Sarah sa kanya, Tulad ng bilin ko hindi sinabi ni Mommy kay Sarah kung nasaan ako.

Ayoko muna kasi na ipaalam sa kanila kung nasan talaga ako. 2 year, dalawang taon akong namuhay mag isa dito sa qatar. Hindi kasi alam ni Sarah na nag apply ako dito before pa kame magkakilala, kaya naman nagbakasakali ako na tanungin kung open pa sila noong kailangan kong umalis para iwan si Sarah,

2 years akong naging FA ng Qatar Airlines, 2 years straight walang uwian,

After 2 years of being away sa family ko at kay Sarah napagdesisyunan ko ng umuwe para harapin lahat ng mga bagay bagay. It's time to face the reality, kung si Sarah nakayanan niya akong ipaglaban ngayon ako naman, Meron na akong sapat na lakas ng loob para ipaglaban ang pagmamahal namin para sa isat isa. Alam ko hindi ako ganun katanggap ng Daddy niya, pero ipapalam ko sa kaniya na, handa ko rin igive up lahat para kay Sarah.

Pag uwe ko ng pilipinas, dumeretso agad ako sa bar, alam ko doon ko makikita ulit si Sarah, gaya ng una naming pagkikita.

Hindi ako nagkamali, nandoon siya, nandoon sila ng mga kaibigan namin, Pinagmasdan ko lang siya sa malayo, Simula ng makita ko siya ulit, gustong gusto ko siyang yakapin at halikan, namiss kong gawin iyon sa kanya. Pero pinigilan ko muna ang sarili ko, hanggang sa pumunta na siya ng Stage para kumanta.

Alam niyo naman lahat kung gaano ako naapektuhan pagkumakanta na si Sarah, lahat ng nasa palikid ay biglang huminto, parang kami lang ang taong nandoon.

Nakatitig lang ako sa kanya, habang walang tigil sa pagpatak ng luha na nanggagaling sa aking mga mata.

Hanggang sa magtama ang aming mga mata, at hindi na rin niya naiwasang mapaluha. nagtitigan kang kame habang kumakanta siya.
Parang ang aming mga mata ang nag uusap sinasabing miss na miss na namin ang isat't isa.

Pagkatapos ng kantang iyon, hindi siya nagsayang ng oras para lapitan ako, walang kung ano ano, ay bigla niya akong niyakap, yakap na matagal naming gustong maramdaman, yakap na parang ayaw na namin pakawalan ang isat isa.

God knows how much I miss her, Dahil sa paglayo ko, mas lalo kong napatunayan na mas lalo ko siyang minahal, na handa na akong harapin ang buhay na kasama siya.

Halos matagal din kaming nakayakap sa isa't isa, hanggang sa naramdaman kong humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa akin. Parehas na basa ang aming mga mukha dahil sa mga luha, luha ng kaligayahan dahil sa wakas afger 2 years kapiling na ulit namin ang isa't isa.

Sarah: I miss you so much my love, wag ka ng umalis please wag mo na akong iiwan ulit, mababaliw ako, hindi ko kayang wala ka sa piling ko. Mahal na Mahal kita Love, ikaw lang ang aking mamahalin wala ng iba.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now