AFTER 4 days..(Friday night)
BAR
Matagal tagal na din hindi nagpunta si Sarah sa bar kaya nung tumawag si carl Umoo kaagad siya, at isa pa Birthday ngayon ni James. Masaya silang nag iinuman at nagkwekwentuhan.
James: Nakakatampo ka na ha, kung hindi ko pa birthday hindi ka pupunta dito,
Sarah: busy lang kasi, sorry na.
Carl: Busy kasi sa jowa,
Sarah: Hoi hindi kaya, marami lang kasing problema sa mga projects namin, alam mo nman si Daddy work first before anything else.
Gio: Buti nakatakas ka ngayon, kay Tanch at sa Daddy mo.
Sarah: Si Tanch nasa New york, si Daddy nag eenjoy dun sa anak ni Tanch.
James: Wow, bigyan mo na kasi ng apo,
Sarah: Soon bro!
Carl: kung nakakabuntis ka lang malamang nakabuo ka na ng basketball team,
Sarah: Hoi wag mo akong itulad sayo no.
Halos madami dami na ding nainom si Sarah ng biglang tumawag ang Mommy niya.
Sarah: Hello Ma! bakit ka umiiyak?
Mommy: Sarah, si Davi!!
Sarah: anong nangyari kay Davi! (pasigaw niyang sabi, nabigla naman sila carl sa reaksyon ni Sarah)
Mommy: Kasi kanina pinakain namin siya ng chocolates tapos bigla nalang siya nagsuka at nawalan ng malay.
Sarah: Nasan kayo Ma!
Mommy: Nandito kame sa St. Lukes.
Sarah: Papunta na ako ma!!
Halos paliparin na ni Sarah ang sasakyan makarating lang sa St. Lukes sa pinakamabilis na paraan. Pagdating sa hospital agad siyang dumeretso sa emergency room at doon niya nakita ang mommy at Daddy niya.
Sarah: Ma kamusta na siya?
Mommy: Hindi pa namin alam e, wala pang sinasabi ang mga doctor.
Sarah: Shet sana ok lang siya.
Maya maya pa lumabas na ang Doctor na tumingin kay Davi.
Sarah: Doc kamusta ang bata?
Dr: Kamag anak po ba kayo?
Sarah: ako guardian niya, wala yung mommy niya nasa ibang bansa, kamusta siya doc?
Dr: alam niyo ba na may allergy siya sa peanut? sabe kasi kanina kumain ang bata ng chocolate na may almonds. kaya nag trigger yung allergies niya, buti nalang at nadala agad siya dito kundi mas lalong hindi makakahinga ang bata due yo anaphylactic reactions. Now stable na siya, but we need to observe him for any late reactions.
Sarah: Thank you doc,
Dr: Sa ngayon may mga rashes na lumabas pero nabigyan na namin siya ng mga gamot.pwede na siyang ilipat sa room anytime.
Tulog pa din si Davi ng malipt siya sa private room, Sinisisi naman ni Sarah ang sarili niya sa nangyari, hindi niya mapigilan ang umiyak habang pinagmamasdan si Davi. Napagdesisyunan niya din na tawagan na si Tanch para malaman nito ang nangyari.
VIDEO CALL.....
Sarah:Hello love?
Tanch:Bakit ka umiiyak love, nasan ka?
Sarah: nasa hospital love,
Tanch: Bakit anong nangyari love, si Davi nasan?
Sarah: I'm sorry, kasalanan ko ito!

YOU ARE READING
EVERYTHING I OWN
FanfictionThis is my second fanfiction story about Team Tarah. What happens here is all in my Imagination. As the song says: "And I would give anything I own I'd give up my life, my heart, my home I would give everything I own, Just to have you back again" Ar...