CHAPTER-27

1.7K 80 42
                                    


TANCH's POV

At last nakapag out of town din kame, Masyado kasi kaming napagod this past few weeks, busy ako sa lipad si Sarah naman busy sa site, tapos nahospital pa si Davi, kaya deserve na deserve namin itong outing na ito. Si Trixie ang namili ng place infairness to her napakaganda ng lugar wala pang masyadong tao.

Nang makarating kame doon agad kaming nagbihis para makapagswimming na. Nagsuot kame ni Sarah ng black two piece, Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanya grabe napakasexy niya, yung shape ng katawan at ang kinis, Hindi ko first time na makita ang mga iyon pero hindi ako magsasawang titigan siya, Napakahot niya talaga kaya naman maraming nagkakagusto sa kanyang mga lalaki at babae. Pero sorry hanggang tingin lang sila dahil akin na siya.

Noong una ayaw niya akong pagsuotin ng Bikini, ayaw daw niyang may ibang nakatingin sa akin, possessive ang ate girl niyo e. Paglabas namin ng Villa nakita ko so Trixie na nakablack two piece din, naintimidate ako kasi may pa abs siya ako wala, at napakasexy din niya. Agaw pansin din ang mga tattoo niya sa katawan, napansin ko na parehas sila ng Tattoo ni Sarah ok lang nman sa akin, ang hindi ok ay yung makita ko yung name ni Sarah na nakatatto sa tagiliran niya. Ganun ba niya kamahal si sarah at ganun ba siya kasigurado kay Sarah dati na dumating sa point na ipatattoo niya ang pangalan niya sa katawan nito.

Napansin ko naman na napatingin din si Sarah sa katawan ni Trixie. Mas lalo tuloy akong nainis, pero hindi ko nalang yun pinansin, ayokong sirain ang moment na ito dahil sa selos ko. Hinila ko nalang siya at nagpalagay sa kanya ng sunblock.

Tanch: Love, lagyan mo naman ako ng sunblock sa likod please.

Sarah: Oh yes love, I love that,

Dumapa agad ako at sinimulan na niyang lagyan ng Sun block ang likod, Hindi ko maiwasang makiliti dahil iba yung haplos na ginagawa niya.

Tanch: Love bilisan mo naman, iba yang ginagawa mo e,

Sarah: ayyy iba ba? (sabay tawa)

Napansin naman ni Carl ang ginagawa ni Sarah sa akin kaya lumapit siya sa amin.

Carl: Hoi sarah, maaga pa para dyan ha. ibang pahid ang ginagawa mo e. Pagkatapos ako nman ha!

Sarah: Maghanap ka ng magpapahid sayo. daming babae diyan oh.

Carl: e gusto ko ikaw e,

Sarah: Hindi tayo talo no.

Ibang klase talagang mag asaran itong dalawang ito, Maya maya pa lumapit na din sa amin sila gio and si Aly, nilagyan din nito ng sunblock ang likod ng girlfriend niya. Narinig ko naman na inalok ni James si Trixie na siya ang magpahid ng sunblock sa likod nito.

James: Trix gusto mo ako maglagay sayo ng sun block?

Trixie: Sure James,

Sarah: Paano ba yan Carl wala kang kapartner , kawawang bata ( sabay sabay silang nagtawanang lahat)

Carl: sinong nagsabing wala, Davi come here, can you put some cream in my back?

Davi: Yes tito Carl!

Sarah: Hoi walang hiya ka inutusan mo pa yung anak ko!

Masaya kaming nagtatawanan nakakawala ng stress itong mga ito, ang kukulit lalo na pagnagtatalo si Carl at si Sarah.

James: Trixie wala ka bang balak ipabura yang name ni Sarah dyan sa tagiliran mo?

Trixie: Nandyan na yan e, first Tattoo ko yan e, kaya memorable yan sa akin, di ba Sarah, remembrance ganun, ng naudlot na pag iibigan.

Natahimik ako ng marinig ko iyon, Hindi ko alam na matutuwa ba ako o maiinis. Nanandya kaya tong babaeng ito. Bigla nman hinawakan ni sarah ang Kamay ko at tumingin sa akin ng nakangiti, alam na alam niya na nagseselos na ako ng mga oras na iyon.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now