CHAPTER-39

1.6K 83 36
                                    


Maagang bumalik sa bahay sina Sarah, Nagulat sila ng pagbalik nila nalaman nilang may nagpadala kay Tanch ng flowers.

Sobrang nainis si Sarah ng mabasa ang message na kasama ng flowers.

I miss you so badly, I miss your love, your hug, your kiss and your body, I miss everything about you. Can't Wait to see you-David

Napamura nalang si Sabay hampas ng bulaklak sa Table. Hindi niya napigilan ang galit niya, maging si Tanch at si ate May ay nagulat sa naging reaction ni Sarah.

Sarah: T*ang*na niya, wala ba siyang magawa sa buhay niya.

Tanch: Love, stop it, baka marinig ka ni Davi.

Sarah: Love please wag kang makikipagkita sa kanya. Masama ang kutob ko may balak siyang hindi maganda.

Tanch: Hindi ako ako makikipagkita sa kanya promise, gagawin natin lahat para hindi siya makalapit kahit na sinoman sa atin.

Sarah: kung may gagawin siyang hindi maganda sayo, baka hindi ko mapigilan ang. sarili ko mapatay ko siya.

Tanch: Love, please kalma,

Sarah: Paano ako kakalma love, sa message palang niya parang may pagnanasa siya sayo. Gago siya!!!!

Niyakap nalang ni Tanch si Sarah, yun nalang ang kaya niyang gawin sa ngayon para mapakalma ito, kitang kita niya kasi sa mga mata nito ang galit kay David, at natakot siya sa nalaman niya na handang pumatay ito para sa kaligtasan nila.

Kinausap ni Sarah ang mga security guard ng village nila, sinabihan niya ito na wag papapasukin ang isang lalaking nagngangalang David Fernandez.

Maging sa school ni Davi, ganun din ang sinabi niya.

Naging paranoid na siya, maging sa trabaho ni Tanch lagi niya itong chinecheck kung saan siya pupunta at sino ang mga kasama nito. Hindi niya talaga hahayaang makalapit ulit sa kanila si David.

OFFICE

Halatang wala sa mood magtrabaho si Sarah, ang dami kasing pumapasok sa isip niya ngayon, hindi niya alam kung kailan magpapakita si David, para maprotektahan niya sila Tanch.

Cha: Alam mo kanina pa kita napapansin na wala ka sa mood.

Angel: Oo nga Sarah, anong problema? tell us, baka makatulong kame.

Sarah: Nagpadala kasi ng flowers yung ex ni Tanch kahapon, nakalagay miss niya daw si Tanch, ang mga hug at kiss nito pati buong katawan,

Angel: Ay P*ta ang bastos!

Cha: Shockks paano pagnanggulo nanaman siya?

Sarah: Hindi ko yun hahayaang mangyari.

Angel: Paano yun? hindi mo naman mababantayn 24/7 si Tanch.

Cha: Kaya nga, anytime pwede siyang magpakita kay Tanch at sa anak niya.

Sarah: Sinabihan ko na yung mga security ng village namin, hindi nila papasukin si David.

Angel: Di ba maimpluwensiya siya? kaya niyang gawin lahat.

Sarah: Kaya ko din gawin lahat para lang maprotektahan si Tanch. Kaya kong pumatay maging safe lang siya.

Cha: OMG sarah hindi mo kailangang gawin yan, maraming paraan.

Sarah: Masyado na niyang ginulo ang buhay ko, hindi na ko papayag na sirain niya ito ng tuluyan.

Angel: Nandito lang kami pag kailangan mo ng tulong.

Buong week naging busy si Sarah sa project na hawak niya, madalas late na siyang umuuwe, pero naisisingit pa din niya ang pagtawag oras oras kay Tanch.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now