CHAPTER-10

2.2K 84 26
                                    


CONTINUATION OF SARAH's POV

Hindi talaga ako mapakali hanggang hindi ko nalalaman mismo kay carl kung bakit sila nagkita ni Tanch ng di ko alam. Balak kong dumaan sa Bar dahil may band reharsal sila ngayon.

Pagdating ko sa Bar agad kong nilapitan si Carl para kausapin.

Sarah: Bro, akala ko ba nagkaintindihan na tayo, ang sa akin ay sa akin lang.

Carl: Sarah relax, di ko alam yang sinasabi mo!

Gio: Guys relax lang!! ano bang nangyari

Sarah: Nag usap kayo ni Tanch ng kayo lang?

Carl: Huh? hindi bakit nman kame mag uusap?

Sarah: nakita kayo ni Trixie na nag uusap dalawa.

Carl: Ahhh yun. Nagpunta siya dito dahil hinahanap ka niya. Sarah ikaw ang topic namin ng gabing iyon. Di ko siya aagawin sayo.

Sarah: bakit di mo sinabi sa akin.

Carl: Kasi ang alam ko tatawagan ka niya nung gabing yun. Relax, sayo lang si Tanch.

Sarah: mabuti ng nagkakaintindihan tayo dito.

James: Tama na yan ha! sinagot ka na ba niya?

Sarah: Hindi pa e, medyo di kame nagkaintindihan kanina, Si Trixie kasi.

Gio: kagabi pa yang Trixie na yan e, love ka pa nun sarah.

Sarah: Alam nman niya na mahal ko si Tanch.

Carl: pero di niya Tanggap.

Maghapon ko din sinusubukang tawagan si Tanch, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang sa makatanggap ako ng message from her.

From Tanch:
Sorry hindi ko nasagot mga tawag mo, super pagod kasi ako, and I can't see you today may lakad kame nila Karen e, Maybe Tomorrow.

Agad kong nireplyan ang message na yun gusto kong malaman kung galit siya sa akin.

To Tanch:
sorry kung naiistorbo kita? Galit ka pa ba sa akin?

From Tanch:
No, pagod lang ako, Bukas nalang tayo mag usap.

To Tanch:
ok see you tomorrow, ingat sa lakad niyo,

Hindi na niya nireplyan ang message ko na yun. Hinayaan ko muna siyang magpahinga at makasama ang mga friends niya.Pero excited ako para bukas, kailangan kong bumawi sa kanya.

Kinabukasan maaga akong nag ayos kasi may usapan kaming magkikita ngayon and nagpapasama din kasi siya sa mall dahil bibili daw siya ng bagong shoes for work.

Pagdating ko sa condo nila saktong nasa lobby na siya ng building naghihintay sa akin, nakakainis kasi yung traffic mula makati hanggang paranaque. nalate tuloy ako sa usapan naming oras.

Sarah: Sorry naghintay ka, ang traffic kasi,

Tanch: ok lang kababa ko lang din naman.

Sarah: saang mall tayo?

Tanch: MOA nalang para mas malapit, hindi na tayo matraffic pa.

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now