CHAPTER-22

1.6K 72 25
                                    


BUTUAN

Maagang dumating sa Butuan si Sarah, dumeretso siya agad sa site para makita si Trixie.

Sarah: There you are, kanina pa ko tumatawag sayo hindi mo man sagutin!

Trixie: Sorry naman, nakakastress kasi e.

Sarah: Bakit?

Trixie: Yung second batch ng materials kasi hindi pa dumadating.

Sarah: Bakit daw?

Trixie: Yung mga trucks daw na gagamitin e kailangan pa ng permit

Sarah: Huh??? Bakit kailangan pa ng permit e Project ni Mayor to! Nasan ba siya?

Trixie: Hindi ko alam, baka mamaya nandito na yun! Wait tanong natin dun sa bodyguard.

Trixie: Sir nasan si Mayor?

Body guard: Nasa Manila po

Sarah: Huh? Kailan pa?

Body Guard: Kanina po yung flight niya.

Sarah: shet!!! sge Thank you!

Nagulat si Sarah ng malaman na nasa manila si David. Naisip niya agad na baka puntahan nito sina Tanch. Kaya naman tinawagan niya agad si Tanch para malaman kung magkikita sila ni David ngayon!

Sarah: Hello love, Nasana ka?

Tanch: Hi love, nasa bahay bakit?

Sarah: May usapan ba kayo ni David na magkikita kayo ngayon?

Tanch: Yes love katatawag niya lang, gusto daw niya makita si Davi.

Sarah: Ngayon mo lang nalaman na nandyan siya sa Manila?

Tanch: Yes love, promise love katatawag niya lang.

Sarah: Nakakainis!

Tanch: Bakit ka sa akin maiinis? ngayon ko lang talaga nalaman! promise yan

Sarah: Hindi ako sayo naiinis love, sinakto niya talaga na wala ako diyan!

Tanch: Kung gusto mo hindi ako sasama sa kanila, kung yan ang kinagagalit mo!

Sarah: Love hindi ako nagagalit,

Tanch: Hindi pero yung tono ng pananalita mo parang galit ka!

Sarah: hindi ako galit ok, sge na, mamaya nalang tayo mag usap, may aayusin lang ako dito.

Tanch: ewan ko sayo sarah, ang aga aga ang init ng ulo mo, bahala ka nga diyan.

Dahil sa inis niya sa mga nangyari una sa delayed na materials at pangalawa ng malaman niyang nasa manila si David, nataasan niya tuloy ng boses si Tanch.

Trixie: Bakit inaway mo?

Sarah: hindi ko mapigilan yung inis ko sa lalaking yan. bwiset!!!

Trixie: Feeling ko sinasadya niya lahat ng ito. Yung sa mga investors at yung mga delayed na materials.

Sarah: Hindi talaga siya titigil hanggang hindi niya nababawi si Tanch.

Trixie: ano pa ba babawiin niya, di pa ba niya tanggap na ayaw na sa kanya si Tanch. tsaka pwede naman niyang bisitahin si Davi anytime, bakit idadamay niya pa ayung mga projects natin.

Sarah: Masyado siyang baliw kay Tanch. Wala siyang mababawi kasi akin na sila.

Trixie: paano yung dalawang investors, may bago na daw silang developer ang Sta. Lucia.

Sarah: Kaya nga ako nandito, kasi may meeting ako sa isang investors. Hindi alam ito ni David, kung marumi siyang magtrabaho then makikipaglaro ako sa kanya.


EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now