CHAPTER 37

1.6K 81 42
                                    




Nang makabalik si Nikki sa Butuan, pinatawag niya kaagad ang Lawyer nila para ayusin ang pagbalik kay Sarah ng nabili niyang share, Maayos na din sila ni David ngayon, pinabalik na niya ito sa kanilang bahay, ginawa niya iyon dahil mahal niya si David at para sa mga bata.

David: Bakit nandito si Atty, Shang kanina?

Nikki: Pinaayos ko yung shares na nabili ko sa MW, ibabalik ko na iyon kay Sarah!

David: What? are you out if your mind!

Nikki: Ayoko ng magkaroon pa tayo ng ugnayan sa kanila. Nanahimik na sila sa Manila, sana ikaw din, manahimik ka na dito. Hayaan mo na si Tanch. David kulang pa ba ako? Para hanap hanapin mo pa si Tanch. Kailan mo ba ako matutunan mahalin.

David: Hon mahal kita!

Nikki: Mahal mo ko kasi kailangan mo ko at Mahal mo ko dahil nabibigay ko ang mga luho mo.

David: No hindi yan totoo,

Nikki: Yun ang totoo David, Simula palang hindi ka na maghahanap ng iba kung talagang minahal mo ko, Hindi sana nagkaroon ng Tanch at Davi.

David: Mahal kita,

Nagsimula ng umiyak si Nikki, naalala niya lahat ng pinagdaanan niya at lahat ng tiniis niya, makasama lang ang lalaking mahal niya, pero ni minsan hindi niya naramdaman na mahal siya nito.

Nikki: David gusto kong malaman , paano nawala ang pagmamahal mo sa akin? Dahil ba masyado akong naging matapang, dahil ba ako ang nasusunod dito! Kahit madalas tayong mag away noon, hindi ko naisip na ipagpapalit mo ko, akala ko kasi kahit anong nangyari mamahalin mo pa din ako, Kasi di ba yun ang pinangako natin, for better or for worse. Pero mali ako, naghanap ka pa din ng iba.

David: Mahal kita, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, yan ang tatandaan mo. Naging mabuti ka sa akin, naging mabuting asawa at ina. ( niyakap niya ang kanyang asawa)

Nikki: Then bakit nagkaroon ng Tanch!

David: napag usapan na natin yan,

Nikki: Answer me!! bakit ka naghanap ng iba! dahil ba mas magaling siya sa akin, mas sexy! ano!!!!

David: Nikki tama na nakaraan na iyon, bakit ba inuungkat mo pa!

Nikki: Yes nakaraan pero pilit mong binabalik balikan. Kaya please tama na! hayaan na natin sila, putulin mo na lahat ng connection mo sa kanila.

David: Alam mong hindi ko pwedeng putulin ang connection ko sa kanila, dahil kay Davi.

Nikki: Dahil kay Davi lang ba o Dahil kay Tanch?

David: Maniwala ka sa akin, Hindi ko sasayangin ang panagalawang pagkakataon na binigay mo sa akin, mahal ko kayo ng mga anak natin.

Nikki: Alam mo naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ramdam ko na na hindi mo ko mahal, nandito ako sayo, kasi Mahal na Mahal kita, handa ako magpakatanga makasama ka lang. Handa ko kalimutan ang mga ginawa mo.

David: I'll stay here, magbabago ako for you for us,

Nikki: Then prove to me, na worth it yung second chance na iyon. Huwag ka ng mangugulo sa kanila, Maawa ka kay Sarah, alam mo ba na wala na siya sa company nila dahil sa mga kagagawan mo.

Lihim naman natuwa si David ng nalaman niyang wala na si Sarah sa MW, magpapalamig muna siya. Pero tuloy pa din ang plano niyang bawiin si Tanch.

David: Hindi ako ang may gawa nun sa kanya, kasalanan niya din ang mga nangyari.

Nikki: Tama na David Wag na natin silang pakialamanan, Ayusin natin yung sa atin. Magsimula ulit tayo. Sana nagyon maramdaman ko na ako yung priority mo kame ng mga anak mo.

(Nikki naman wag shushunga shunga 😂 magkapangalan pa man din tayo😂😂)


Nagulat naman si Sarah ng makatanggap siya ng email mula sa isang Atty. Shang nagpapaappointment ito ng meeting sa kanya.

Kaagad niyang pinatawag si Charriz para itanong ang kanyang schedule for a week.

Sarah: Charriz may appointment ba ako wednesday after lunch?

Charriz: Let me check Maam.......... Ahh wala po, free po kayo that day.

Sarah: Good, may lakad ako ng araw na yan kaya wag mo kong lalagyan ng meeting sa araw na yan.

Charizz: yes po maam.

*WEDNESDAY

Atty. Shang: Goodmorning Ms. Garcia, I'm Atty. Shang, private lawyer ni Mrs. Fernandez.

Sarah: Goodmorning Atty. Bakit mo gustong makipagkita sa akin?

Atty. Shang: Well may pinaayos sa akin si Nikki na mga papers, regarding sa palipat sayo ng share na nabili niya sa MW. Here is the papers, from now on, sayo na ang shares na nabili niya,

Sarah: What? Bakit niya ginawa yun.

Atty Shang: Actually hindi ko alam ang reason kung bakit niya binalik yan sayo, napag utusan lang ako.

Sarah: How about the money? paano ko ito babayaran?

Atty Shang: Ang totoo niyan, hindi na niya yan pababayaran sayo, It's for Davi, at dahil bata pa si Davi, sayo muna yan pinangalan. Gusto ng client ko na putulin niyo na ang connection niyo sa kanila, kaya yung sustento kay Davi ay yang shares na yan.

Sarah: Hindi naman kame ang nanggugulo, sila, buy the way, pakisabi sa kanya salamat, marunong naman pala siyang tuparin ang mga sinabi niya.

Nagtataka pa din si Sarah sa mga nangyayari, But deep inside masaya siya kasi wala ng connection si David sa company nila, nabawi na niya ang share na nabili nila mula dito.

Iniisip niya pa din na kung paano niya napapayag si David na mangyari ito! Kilala niya si David, hindi ito basta bastang sumusuko. Kaya dapat hindi siya magpakampante.

Pagbalik niya sa office sinalubong agad siya ni Angel.

Angel: Bhe saan ka galing?

Sarah: May kinausap lang ako.

Angel: sino?

Sarah: Si Atty, Shang Binalik na ni Nikki yung share na nabili niya.

Angel: What yung asawa ng ex ni Tanch! yung bruha!

Sarah: Yes.

Angel: Akalain mo yun, may tinatago palang kabaitan.

Sarah: Nagtataka nga ako e, paano niya napapayag si David tungkol dito.

Angel: Diyan ka matakot bhe, alam mo yung mga ganyan, sa una magbabait baitan, pero pag nakuha na ulit ang loob mo tsaka sila ulit aatake. Kaya mag ingat ka,

Sarah: I know, Hinding hindi siya magtatagumpay kung ano man ang binabalik niya. Mahal ako ni Tanch at May tiwala ako sa kanya. Kaya walang mababawi si David.
.
.
.
.
.
.
.
.
A/N: David is backkkkkk!!!

Keep Safe Everyone❤️

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now