CHAPTER-24

1.8K 90 42
                                    


Mas naunang nakauwe si David sa Butuan kaysa kay Nikki, Nagtataka ito kung bakit wala ang asawa sa bahay, Hindi naman ito mahilig lumabas, wala din nakapagsabi sa kanya kung saan ito nagpunta. Halos gabi na din ng dumating ito.

David: Saan ka galing?

Nikki: Sinundan ko kayo ng Babae mo!!!

David: Nikki ano nanaman ba ito? Nag-usap na tayo di ba!

Nikki: Oo nag-usap na tayo na bibigyan mo ng time yung anak mo kay Tanch. E bakit parang ang nangyayari ngayon yung mga anak ko ang naglilimos ng oras mo!

David: Stop that hindi yan totoo!

Nikki: David weekend ngayon, dapat nandito ka sa amin, pero ano, nag abala ka pa talaga na pumunta ng manila para makipag kita dun sa kabit at anak mo.

David: Pwede ba Nikki, ano pa ba kinagagalit mo, ikaw yung pinakasalan ko ikaw yung kasama ko madalas ano pa ba ang kulang.!!

Nikki: Oo ako yung pinakasalan mo, ako yung kasama mo madalas, pero ako ba yung mahal mo? Ano David, sumagot ka!

David: ano bang gusto mong marinig? Kung mahal ko si Tanch? Oo mahal ko siya!!!

Nikki: Ang kapal ng mukha mo!!!( pinagsasampal niya si David, masakit sa kanya marinig ang mga ganun salita, alam nman niya na may kaagaw siya sa pagmamahalan ng asawa niya.)

David: Ano ba tama na!! (pilit niyang inaawat si Nikki) Alam ko kung hindi lang dahil sa mga anak ko matagal na kitang iniwan.

Nikki: Wala kang utang na loob, Kung hindi dahil sa akin at kung hindi dahil sa pamilya ko, wala ka ngayon sa posisyon mong iyan, Wala sana ngayon yung mga bagay na meron ka!!!

Niligawan ni David si Nikki dati dahil maganda ito at mayaman, Si David kasi yung tipo ng lalaki na handang gawin ang lahat matupad lang ang mga pangarap niya. Kaya naman hindi siya nabigo na mapaibig ito, hanggang sa kinasal sila at nagkaanak. May asawa at anak na siya ng makilala niya si Tanch, na college student palang ng mga panahong iyon, Para sa kanya si Tanch yung babaeng mamahalin niya higit pa sa pagmamahal na binibigay niya kay Nikki. Naitago nila ang relasyon nila sa pamilya nito, maging si Tanch ay hindi alam na may asawa at anak na siya. Dahil sa yaman at koneksyon ng pamilya ni Nikki napasok siya sa politics at naging sikat. Hanggang sa Pinamunuan na niya ang buong Butuan. Ganyan kalaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Nikki kaya hanggang ngayon kahit si Tanch ang mahal niya si Nikki pa din ang pinakikisamhan niya.

David: Alam ko, kaya nga nandito ako sayo ngayon kasi malaki ang utang na loob ko sa inyo, sayo! Kaya pwede ba, tigilan mo na yang mga arte mong yan.

Nikki: Akin ka lang David, amin ka lang ng mga anak mo!! Wag mong hintayin na ako mismo ang sisira sa pamilyang pilit mong binubuo.!!









Kinaumagahan nagising si Tanch na wala sa tabi niya si Sarah, Hindi na kasi nakauwe si Sarah kagabi dahil nagpapalambing si Tanch sa kanya. Hinanap niya si Sarah sa buong kwarto pero wala siyang makita, kaya napagdesisisyunan niyang bumaba na, Nadatnan niya sa kitchen si Sarah na nagluluto ng breakfast.
Lumapit siya dito at niyakap si Sarah patalikod.

Tanch: Hmmmmm ang bango naman yan love. Goodmorning love, ( sabay halik sa leeg ni Sarah)

Sarah: hmmm ang sarap nman ng kiss na yun nakakakiliti.

Kaya naman pinaulanan ni Tanch ng halik sa leeg at pisngi si Sarah.

Tanch: ayan ha madami na yun. Tulungan kita love

Sarah: wag na love, ako na, maupo ka lang diyan at malapit na ito, gusto kitang pagsilbihan ngayong araw.

Tanch: wow ang swerte ko naman sa my love love ko, Nag enjoy na nga ako kagabi tapos hanggang ngayon pagsisilbihan mo pa ako!

EVERYTHING I OWNWhere stories live. Discover now