CHAPTER 2

80 1 7
                                    

Bagot kong Kinakapa ang aking selpon sa tabi ng kama ko  at bagot din akong sinagot ang tawag.

"hmmm?" aniya ko sa caller pero hindi ito sumasagot

"hello?" aniya ko pa at chineck ko ang name ng caller at napangiti nalang ako nang makita ang pangalan ni Tyler

Tsk. Gandang Bungad

"tyler?"

[...]

"hoy!"

[...]

"good morning!"

[...]

Bigla kong nilayo sa tenga ang selpon ko  nang bigla itong binababa ang linya.

Seryuso... Anong Problema niya?

Bigla akong napadaing at NapaHawak ako sa  aking ulo.
Masyado akong madaming nainom kagabi... Hindi rin kasi ako makatulog dahil sa binanggit ni Panther.

"ang sakit ng ulo ko." daing  ko at agaran na pumunta sa Cr para maghilamos.

Lumabas na ako sa cr at Nagtimpla  ng kape para mawala ang hangover ko.

Habang umiinom ng kape ay napasulyap ako sa selpon ko.

"naalala ko na naman ang First year college ko" saad ko sa aking sarili habang umiling iling

𝙁𝙇𝘼𝙎𝙃𝘽𝘼𝘾𝙆

Pumasok ako sa HIS bilang isang scholar wala akong binabayaran kundi maliit na Miscellaneous fees lang.

maganda ang school at hindi boring tignan.

"awtsuu" daing ng isang babae kaya naman agaran akong pumunta rito at tinignan ang mga libro niyang nagsihulog

"tulungan na kita" nakangiting aniya ko rito... Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong ngumiti sa babaeng toh. Masyado akong nahahawa sa aura niya.

"hehehe salamat" aniya nito. Tumango lang ako at tumalikod sa kaniya pero bigla niya akong hinawakan sa Braso

"ako nga pala si Taylor Riego. Ikaw ba? Bago kalang ba dito sa Howitzer International school ? Hehehe parehas tayo" masayang aniya nito

"ako si Nova" tipid na saad ko rito kaya naman ngumiti ito ng malawak

"Ghorl.. Ang ganda mo" aniya nito at sabay hinagkan ako at bumagsak ang mga libro na naman niya.

"halah! Ano ba naman yan. Pati ba libro ni Kuya ay nagseselos? Dahil niyakap kita?"

Napatanga ako sa sinabi niya at nagkabit balikat na lamang.

Tinulungan ko siyang dalhin ang mga libro sa dorm ng kuya niya raw.

"ah... Nova anong course ang kinukuha mo?" tanong nito kaya naman napahinto ako sa paglalakad at napahinto rin siya.

"business management" walang ganang sagot ko rito

"ah... Ako naman Bs med" nakangiting saad nito kaya naman ngumiti lang din ako

Nakarating kami sa dorm ng kuya niya at bumukas ang pintuan at lumabas ang hunk na lalaki na mukhang may Problema sa mundo.

"kuya ayan na lahat yun! Baka aangal ka pa niyan" saad ni Taylor at sabay hinawakan ang braso ko

"siya nga pala kuya. Si Nova ang bago kong kaibigan" aniya ng dalaga kaya naman tumango ako rito.

"ah ghorl si Kuya Tyler, kapatid ko" pagpapakilala ni Taylor

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰ Where stories live. Discover now