NAGISING nalang ako dahil sa sinag na araw na tumama sa aking mukha.
Masakit rin ang aking ulo hindi dahil sa dami ng ininom ko kundi late na ako natulog kagabi dahil kakaisip sa mga tuta ni Maxipro.
Ang hunghang na yun, umaasenso siya pero ang mga tuta niya ay hindi man lang maturuan ng tamang asal.
Ginusot ko pa ang aking mata at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hello?"
[nova-girl!] bigla kong inilayo ang selpon dahil napakataas na naman ng energy ang babaeng toh
"huminahon ka nga! Anong sadya mo at napatawag ka?"
["Punta ka rito mamaya! May family dinner tayo! Isama mo rin ang iba mong Friends hihihihi"] excited na saad ni Taylor.
Bigla akong nanahimik at ito na naman yung mabigat na pakiramdam.
["nova-girl, ayos kalang ba? Bakit ka nanahimik? Nag darasal kaba?"] tanong nito kaya naman napakunot ang noo ko
"family dinner pagkatapos ay isasama ko ang kaibigan ko? Seryoso ka?" tanong ko rito
["ayy ang bobomuch naman nova-girl syempre para madami tayo"]
Ayy putcha sumasakit ang ulo kay Taylor.
"osiya, osiya! pupunta ako riyan, sarapan mo ang luto ha" pabiro kong saad kaya naman ay humiyaw na naman ito.
MATAPOS ang usapan namin Ni taylor ay pumasok na ako sa HIS at nadatnan ko si Lynx na may hangover pa yata.
"hey!Good morning " bati nito habang humihikab hikab
"mm.. Morning" bati ko pabalik
Hinahanap ko ang iba pero mukhang wala pa.
"hindi yata nila kayang pumasok dahil ang lakas yata tama ng alak sa tatlo" ang tinutukoy ni lynx ay sila Jeykey, mikaella at Teri
"mm..." tanging sagot ko nalang.
"kamusta kana pala? " tanong nito
"im cool" sagot ko rito na ikinatawa niya
Ngumiti nalang ako at pinagmamasdan ang mga estudyante nagsisipasukan
"malapit na pala ang Exam. Tapos may International exam pa para makakuha ka ng License bilang isang Nurse" parang Frustrated na aniya ni lynx
"may balak ka ba ngayong summer?" dagdag na tanong nito
Umiling ako, bukod sa nagtatatrabaho ako TBATS ay wala na akong ibang balak gawin.
Dumating ang Prof namin at nagbigay lang ito ng ibat ibang klaseng tips para makapasa sa International exam.
Pagkatapos kasi ang pagiging Intern namin ay mag eexam na kami kaya ganun na lamang ang tuwa ng ilang karamihan at gaya ng ibang estudyante ay umaangal rin sila..Mahirap ang exam dahil isang taon kang mag rereview para doon upang makakuha ka ng License at
ma-registered employment ka bilang isang nurse. samantala ang Doctor ay sampung taon kang mag aaral.
Sampung taon dahil Four years for medical school, a minimum of three years for residency and a few more if you want to specialize with a fellowship.Kaya ganun nalang ang paghanga ko kay Tyler dahil eight years siya nag aral para lang maging isang Doctor at nakakahanga rin dahil kaya niyang pagsabayin ang pamamalakad ng Kompanya nila.
"AKO na ang mag o-order? Ano ba gusto mo?" tanong ni Lynx habang malawak ang pagkakangiti.
"yung Set B nalang" tipid na saad ko rito. Agad naman itong sumaludo at mabilis na lumapit sa counter.
YOU ARE READING
𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰
RandomNova was a headstrong girl in college with a prickly, gangster personality who had crush on Tyler Riego an arrogant Doctor with a genius IQ It is about a nursing girl that falls in love with a Doctor . She liked him since the first year of college...