LAST day na namin ito. Babalik na ulit kami sa HIS para paghandaan ang magaganap na exam.
Kailangan kong makapasa sa Board Exam para Tuluyan na akong maging Nurse."teh! Hoy! Tulaley ka na naman?"
Napatingin ako kay Jeykey na kanina pa sinusundot ang tagiliran ko..
"ito naman gagalit agad! Sasama ka ba sa amin?" maarteng tanong nito kaya naman napakunot ako ng noo
"saan?" bulalas ko
"kala ko naman you're listen, hindi naman pala" sagot nito kaya naman tinuro niya si Lynx para i explain kung ano ang pinag usapan nila.
"dahil last Day na natin dito sa Tk hospital, mag Celebrate tayo!" masayang aniya nito kaya naman ay napakapit ako sa batok
"ano sasama ka ba teh? O aarte ka diyan?" tanong ni Jeykey at lahat naman sila ay hinihintay ang Sagot ko.
"cool" tipid na saad ko at pinagpatuloy ang kinakain.
Hindi nalang ako nag usap dahil parang nahihibang ako sa nagyayari sa akin.
Yung pagyakap ko kay Tyler at ang pagyakap nito ay parang hanggang ngayon ay naiiwan parin ang pabago niya sa balat ko.
Ganun na yata ako ka hibang kay Tyler ultimo kay calbeen ay hindi ko ito nararamdaman.PUMUNTA ako sa likod ng Hospital kung saan may Mini Garden ito.
Nakita ko si Rosey na pumipitas ng bulaklak.
Nilapitan ko ito at halata sa kaniya ang pagkagulat"hindi mo ako Gusto makita, tama?" saad ko habang nakatingin sa mga bulaklak, maganda at presko ang hardin ng TK tamang tama sa mga taong nag the-therapy . Nakikita ko sa Peripheral vision ko ang pagtungo ni Rosey at mukhang ilag talaga siya sa akin .
"ano..."
"last day na namin toh at gusto kong malaman ang dahilan mo" saad ko at nagpitas ng bulaklak at binigay ko sa kaniya.
Tsk lagi siyang gulat na gulat.
Tinanggap niya ito at ayun na naman ang boses niyang malumnay na akala moy inaapi. "ano..."
"what?" mahinahong tanong ko Rito
"ano... Kasi, may Gusto ka po ba kay N-nurse Lynx?" utal utal na tanong nito kaya naman ay napangisi ako.
"kapag ba sinabi kong oo, ay makakaya mo akong tapatan?" nagulat naman siya sa sinabi ko at biglang nagiba ang kaniyang Expression na animo'y nainis at tinapakan ang Ego nito.
"so... May gusto ka kay Lynx?" sa tono ng boses niya ay naasar ito sa akin at hinahanap ko ang paggalang nito.
"kung ang ayan sa tingin mo" presko kong sagot
Magka edad lamang kami ni Rosey at hindi ko maitatatanging mas bata ang mukha niya kesa sa akin.
Nagbaba siya ng Tingin at ang bulalak na ibinigay ko sa kaniya ay itinapon ito sa Sahig at sabay na pumihit papaalis.
"kakawawa naman si Lynx, nagkagusto sa kaniya ang isang mahina"
Napatigil sa pagtulak ng wheelchair si Rosey. Nakita ko rin ang panginginig ng kaniyang balikat na ultimoy umiiyak.
"isa lang ang nagkagusto kay Lynx pero pinanghinaan kana. Tsk, hindi mo talaga ako kayang tapatan".
Bigla itong humarap na ikinangisi ko. Ang sarap namang mangasar ngayong araw.
"ang yabang mo! Kala mo kung sino ka! Palabhasa kase may gusto sayo si Lynx dahil nasasabi moyan!" singhal nito habang dinuduro ako.
Napahawak ako sa nose bridge ko at pinagmamasdan ang susunod niyang gagawin...
YOU ARE READING
𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰
RandomNova was a headstrong girl in college with a prickly, gangster personality who had crush on Tyler Riego an arrogant Doctor with a genius IQ It is about a nursing girl that falls in love with a Doctor . She liked him since the first year of college...