CHAPTER 12

35 2 0
                                    

NOVA POINT OF VIEW:

Pinagmamasdan ko lang Si Tyler habang nakatanaw sa nagtataasang Building.
Kanina pa kami na nasa Rooftop pero hindi man lang ito nagsasalita.

Ano bang Problema ng taong toh at dinamay pa ako?

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang Railings at gaya niya tinanaw ko rin ang kagandahan ng buong Lugar.

"Gusto ko nang bumababa, ano ba ang sasabihin mo?" tanong ko Rito habang ang panangin ay nakatanaw parin

"nagmamadali kaba dahil gusto mona makita si Lynx?"

"ano?" gulat na tanong Ko rito
Hibang ba siya?

"nagmamadali kaba kako para makita si Lynx?"

Ang tatag inulit pa. Alangan naman dito kami mag pasko sa Rooftop?

"hindi ako nagmamadali. Nanakit na ang sakong ko kakatayo" saad ko rito kaya naman ay tumingin ito sa mga paanan ko.

"hoy! Ano!? Nakakailang!" singhal ko Rito. Ngumisi lang ito pagkatapos ay nagkunot ng noo
"are you attracted to Lynx? "

Putragis hindi noh!

Lumaki ang mata ko sa tinanong niya at unti unting humarap dito.

"e ikaw ba? Na-attract ka sa kaniya?" pabalik na tanong ko Rito

"no way!" bulalas Nito

Edi ganun din sa akin

Huminga ako ng malalim at tumalikod na lamang sa kaniya.

Gusto ko nang bumababa hindi dahil masakit na ang mga sakong ko kundi may Gusto akong habulin. Langya naman kasi Bakit wrong Timing pa.

"hey!"

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Tyler sa aking Pulsuan at pagktapos ay sabay kaming bumababa.

"e?" aniya ko nalang

Nakakahiya at kinikilig ako at the same time.

PAGBABA namin ay bumitaw na ito sa pagkakapit pagktapos ay pinagpantay niya ang mukha namin.

Umurong ako ng bahagya dahil parang matutunaw ako dahil sa mga titig niya.

Ano ba ang Problema ng taong toh? Bakit nag kaka ganito to?

"t-Tyler" hindi ko mapigilang mautal dahil kakaiba talaga ang mga titig. Parang nakikiusap ito.

"Doc Tyler?!"

Biglang humarap kami sa Doctorang tumawag kay tyler

Tumaas naman ang kilay ni Tyler sa Doctora

"you have a Visitor from Mindoro" bahagyang lumaki ang mata ni Tyler at tumango.
Biglang tumingin ito sa akin at nagtama ang mata namin.

"take care of yourself"

Napamaang ako sa sinabi niya at hindi ko i-neexpect na masasabi niya ang ganung salita.
Parang ibang Tyler ang nasa Harapan ko. At the moment parang matutunaw na ako.

Dugdug. Dugdug. Dugdug

"o-oo" tipid na sagot ko pero nagawa ko parin na mautal.

Putragis ang Epekto ni Tyler sa akin.

Ngumiti ito at sabay na ginulo ang aking buhok pagkatapos ay naiwan akong nakanganga habang tinatanaw itong papaalis sa akin.

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰ Where stories live. Discover now