CHAPTER 11

31 1 0
                                    

LYNX POINT OF VIEW :

        
KAASAR bakit ko pa kasing nagawang itanong ang bagay nayun? Na karamdam tuloy akong guilty na makita ko  unti-unting gumuguhit ang lungkot sa mga labi niya.

Peste talaga!

Uwian na rin at hanggang ngayon ay nagu-guilty pa rin ako. Dapat pala hindi kona inopen up about sa Pamilya.
Kala ko ang malas ko dahil wala sila mom and dad pero may mas malas pa pala sa akin. Walang magulang si Nova. kaya ba ganun nalamang siya?

Aish! Kainis

Asar akong pumunta sa aking kotse ngunit bigla akong bumagsak ng may sumuntok sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil hindi yata kamao ang tumama sa akin kundi bakal.

"mahina ka pala e. Walang laban ang yabang mo sa lakas ko"

  Unti unti akong tumayo at hinarap ang lintik na lalaking sumapak sa akin.

"gago ka!" sigaw ko habang pinupunasan ang  labing dumudugo

"mas gago ka!" sigaw nito pabalik sa akin.

May saltik yata toh sa Ulo e. Anong atraso ko sa kaniya at bigla bigla nalang siyang nanununtok?

"hindi mo ba ako matandaan?! " pasigang Saad nito at biglang dinakmal ang Kuwelyo ko

"h-hindi ko tinatandaan ang mga pesteng katulad mo" sagot ko rito kaya naman ay tumama na naman ang kamao niya sa mukha ko.

"gago! Ang lakas talaga ang amats mo! Nasuntok kana lahat lahat nagawa mo pa talagang mag angas! E... Kung tuluyan na kitang animal ka?!" sinipa niya akong dalawang beses sa tiyan kaya naman ay napaubo na lamang ako

"arghhh" daing ko habang pilit na tumatayo ngunit ang lalaking maiitim na toh ay patuloy ako sinusuntok at sinisipa.

"ano masakit?! Nakikita mo itong pasang toh?!" turo niya sa kaliwang mata niya na mukhang nangingitim "sinuntok ako ng bossing ko dahil sa katangahan mo... Gago ka!"

***

𝙁𝙇𝘼𝙎𝙃𝘽𝘼𝘾𝙆

NAIINIS akong bumalik sa puwesto kung saan nakaupo at nagkakasiyahan ang mga kaibigan ko.

"ang aga naman umalis ni bakla, hindi lang maki Join ang gaga" sambit ni Jeykey

Sige ipaalala mo pa.

"oh bakit ang asim ng mukha mo fafa lynx? Dahil ba toh kay gaga?"

Pinukulan ko ng masama si Jeykey at bigla naman itong bumirit

"ang highblood niyo lahat! Narito tayo para magsaya woshooo woshooo" hyper na aniya ni Jeykey habang nagsasayawan sila ni Teri.

Inalis ko ang paningin ko kay Jeykey at dumapo ito sa Kaninang puwesto ni Nova.
Nandoon si Panther nakalumbaba at malalim ang iniisip.
Naiinis parin ako... Kaasar! Ang ganda ng ngiti ni Nova habang kausap ang lalaking yan. Malaki lang naman ang kaniyang katawan pero kaya ko rin magpalaki ng katawan. Kung gwapo lang naman ang usapin eih hindi ako magpapahuli riyan.

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰ Where stories live. Discover now