CHAPTER 18

36 1 0
                                    

TAHIMIK lang akong nakaupo sa Tabi ni Febreneil at darragh  na pinagigitnaan nilang Dalawa.

Hindi ko parin maiwasan isipin ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko

Ano ba nangyari sa isang katulad niyang, tindig palang ay nakakatakot na, ang pananamit nito ay sobrang ayos na animo'y hindi makikitaan ng Dumi at ang caloy na kilala ko ay hindi basta basta magpapabagsak pero anong nangyari ngayon? Ibang- iba na siya, mukha siyang kaawa awang basahan.

Bumuntuhininga ako at pinagmasdan si Febreneil na kumakain .

Tsk! Ano ba kasing Ginawa Ng tatay mo?

Umiling iling nalang ako at nakita ko Si darragh na nakatitig sa akin.

"bakit?" tanong ko Rito

"ah... Eh.. A-ate" kinakabahan na aniya nito

"hmmm?"

"e...kasi ate... P-paano niyo po napapayag si I-itay na sumama po k-kami sa inyo?" tanong nito habang pilit na ngumingiti

***
𝙁𝙇𝘼𝙎𝙃𝘽𝘼𝘾𝙆

"nakakatawa lang dahil ganyang kalagayan kita naabutan" malumnay na saad ko. Umupo ako sa harap nito at ngumisi "hindi ko alam na mahilig ka sa Tagu-taguan at sinuswerte nga naman ay nakita na nakita" iling iling na aniya ko

"tsk tsk tsk... may mabuti kang pamilya pero may asawa naman silang katulad mo"

Tahimik lang ito at nanginginig ang mga kamay at binti nito.

Napabuntuhininga ako "isasama ko ang pamilya mo"

Nagulat siya at biglang nagmakaawa sa akin "ano gusto mo? Gagawin ko ang l-lahat?!
p-pakiusap huwag ang pamilya ko.... G-gagawin ko lahat... Pakiusap.... Pagbabayaran ko ang lahat ang kasalanan na g-ginawa ko sayo... " naluluhang saad nito

Umiling ako "wala kang gagawin dahil nagawa mo na. Hindi mo mababayaran ang traumang isinapit mo sa akin.
Hindi ko parin makakalimutan ang panahon na tinutukan mo ako ng Baril at pinatakbo ng sampung Segundo!"

Halos mamatay ako ng panahon nayon at nangako ako sa sarili ko na ako ang magiging grim reaper mo pero masyadong mapagbiro si kamatayan akalain mong ang pamilya mo ang una kong nakita ... Pero kahit nakilala ko ang mabuti mong pamilya ay hindi parin mawawala ang galit na namumuo sa Dibdib ko

Hinawakan ako nito sa kamay at nagmakaawa" h-huwag ang pamilya ko"

"nagmakaawa rin ako sayo noon pero sadyang kalahi mo si Satanas at hindi pinakinggan ang pakiusap ko"

Tinabig ko nang malakas ang kaniyang kamay.

"wala kang karapatan na hawakan ako!" sigaw ko Rito at huminahon naman ako agad.

Ramdam ko ang namumuong galit sa Dibdib ko. Kunti kunti nalang ay  sasabog na ito!

"magbabakasyon kami ng pamilya mo!" saad ko na kinagulat niya

Tumayo ako sa pagkakaupo at binigyan siya ng matalim na tingin "kung hindi ka papayag ay puwede kang sumama pero ang pamilya mo ay makakauwi pero ikaw ay mananatili roon "

Gulat parin siyang nakatingin sa akin

"l-lady M-miller" pakiusap nito "huwag m-mong sasaktan ang p-pamilya ko" doon na bumagsak ang namumuong luha sa mata niya

"tsk... Hindi ako katulad mo na nanakit ng walang dahilan" saad ko

"may galit ako sayo pero sa pamilya mo ay wala... Hindi ako nakakanti ng basta basta... Tandaan moyan caloy"

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗜'𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 ²⁰²⁰ Where stories live. Discover now