Chapter 23: Fall in love again

516 18 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Nang magkita kami ng Papa ay nabigla ako nang bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry kung matagal bago ko naibigay sa iyo ang yakap na ito." Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha nang marinig ang sinabi niya.

Umiiyak lang ako habang yakap niya na tila ba isang batang nakahanap sa wakas ng kakampi.

Flashback

"Papa, top 1 po ako sa klase." Tuwang balita ko kay Papa nang makauwi ako ng bahay.

"How about the overall?" Tanong niya.

"Ah, top 2 po ako." Napatingin naman siya sa akin saka binaba ang binabasa niyang libro.

"Top 2? Top 2 ka lang tapos nakakangiti kang humarap sa akin? Anong silbi ng pagiging top 1 mo sa klase kung hindi mo rin naman kayang talunin lahat? Anak ba talaga kita?!" Galit na sabi niya.

Napayuko naman ako.

"S-Sorry Papa." Nauutal ko pang sabi. Akala ko pa naman matutuwa siya, akala ko yayakapin na niya ako.

"Get out." Malamig na tugon niya.

Agad naman akong lumabas ng study room.

Ginawa ko lahat para mapansin niya lang ako. Lagi kong pinapanalo ang mga laro ko, pero sa lahat ng panalong iyon walang yakap o kahit isang ngiti man lang sa kanya.

Pero bakit ganoon? Sa isang pagkakamali mo lang, makakalimutan niya na ang lahat ng mabuting nagawa mo.

"Wala ka talagang silbi! Dalawang bilyon ang naipatalo mo!" Sigaw niya sa akin nang matalo ako isang beses sa poker.

Masama ang pakiramdam ko noon, ipapacancel ko sana ang laro pero ayaw niya. Alam ko na matatalo ako dahil hilong-hilo ako habang naglalaro.

"P-Papa, masama kasi—

"Nagrarason ka pa! Mana ka talaga sa Mama mo!" Iyon lang at iniwan na niya ako.

Ni hindi niya ako dinala sa ospital o kahit dinalaw man lang.

End of flashback

Pero ngayon sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang yakap niya. Mainit pala at masarap sa pakiramdam ang mayakap ng isang ama. Akala ko hindi ko na mararamdaman ito.

Rubie's POV

Nagising ako sa matinding uhaw.Alas 3 na ng madaling araw, hindi na ako makakatulog nito sigurong magigising na si Nanay Lita.

Bumangon na ako at nagpunta ng kusina para uminom ng tubig.

Nang makababa ako, medyo madilim pa sa sala. Agad ko naman pinindot ang switch on.

"Anak ng kalabaw!" Napasigaw ako nang makita si Jashy na prenteng nakaupo sa couch malapit sa kusina.

"Anak ng kalabaw!" Napasigaw ako nang makita si Jashy na prenteng nakaupo sa couch malapit sa kusina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon