Chapter 12: Cheer Up!

435 24 0
                                    

Judy Ann's POV

Mula nang araw na iyon, lagi na akong nagpupunta sa restaurant niya. 10 years ang gap namin pero hindi naging hadlang iyon para mahulog ang loob ko sa kanya.

Binigyan niya ng trabaho si Nanay bilang assistant chief niya.

Napakabuti ng puso niya.

"Sir, I like you." Pag-amin ko sa kanya nang minsang naghatid na naman ako nang ulam sa kanya.

Kahit hindi ako utusan ni Nanay nagpupunta talaga ako sa restaurant niya para hatiran siya ng kung anu-ano. Minsan nga kapag wala akong madala sa kanya, bumibili ako ng sardinas para lang talaga makita siya.

"Judy, I like you too. I like you as my little sister and friend but not as a woman. Malaki ang tanda ko sa iyo, hindi ako ang para sa iyo." Sagot niya.

Napatakbo ako dahil sa sobrang sakit ng sinabi niya.

Imagine? Ako na nga nagconfess, ako pa ang nabasted.

Bakit ba kasi ang dami pa niyang rason? Pwede naman niyang sabihin na hindi niya ako gusto, hindi iyong nirarason niya ang layo ng edas namin.

Dahil doon, hindi na ako nagpakita sa kanya.

"Ate, ginapangita baya ka ni Kuya Jel. Nganong wala na daw ka gaadto didto?" Minsan tanong ni Totoy sa akin habang naglalaba kaming dalawa.

(Ate, hinahanap ka ni Kuya Jel. Bakit daw hindi ka na nagpupunta roon?)

"Pasagdi to siya!" Galit na sagot ko sa kapatid ko.

(Hayaan mo siya!)

"Basted ka sa iyaha no?" Pang-aasar pa ng kapatid ko.

(Basted ka sa kanya no?)

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Joke lang" Natatawa niyang sabi.

"Anak, ihatod sa ning giluto nako na sud-an kay sir Jel, tilawan daw ni niya kung pwede ni idagdag sa menu." Utos ni Nanay sa akin.

(Anak, ihatid mo muna ang niluto kong ulam kay sir Jel, titikman daw niya ito kung pwede ba idagdag sa menu)

"Nay, si Totoy na lang-

"Ay naku! Ikaw maghatod ani kay may isugo ko kay Totoy." Putol ni Nanay sa sasabihin ko pa sana.

(Ay naku! Ikaw maghatid nito kay may iuutos ako kay Totoy)

Wala na akong nagawa kundi ihatid ang ulam sa ex-crush ko. Oo, ex-crush ko na siya.

Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.

"Gipahatag ni Nanay." Sabi ko sabay abot sa ulam na hindi man lang tumitingin sa kanya.

(Pinabibigay ni Nanay)

"Salamat." Sabi niya at kinuha na ang ulam.

"Welcome." Aalis na sana ako pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin saka niyakap.

"Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman, pero Judy namiss kita." Bulong niya.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

End of flashback

Jacinth Jude's POV

Papunta na kami ngayon sa isang address na may Jel Leigh na nakatira.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon