Chapter 10: Joker

476 18 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Pagkatapos ng dinner namin ay hinatid na namin sila Mama at ang mga kasama niya sa private plane.

"Naniniwala na talaga ako na mayaman talaga ang anak mo kumare." Nakangiting sabi ng kaibigan ni Mama.

"Sabi ko naman sa inyo eh! Hindi lang ako madalaw-dalaw ng anak ko sa Pinas dahil busy siya sa pamamahala sa mga Casinos dito. Siya kaya ang future Chairman ng Chua Group and Companies." Pagmamalaki pa ni Mama.

"Ma, stop it. Sige na po para makapagpahinga na kayo sa loob." Awat ko na sa pagyayabang niya.

"Oh, sige na iho. Magkita na lang tayo sa kasal mo." Nakangiti niyang sabi saka ako hinalikan sa pisngi.

Palihim kong pinaliwanag sa kanya kanina ang kung bakit ako magpapakasal kay Judy Ann.

Tumango lang ako.

Nang makapasok sila sa eroplano ay umalis na rin kami ni Judy Ann.

"Pagpasensyahan mo na si Mama, ganoon talaga siya kapag may pinapakilala akong babae." Ngiting sabi ko kay Judy Ann habang nagmamaneho.

"Okay lang, naiintindihan ko naman. " Sagot niya.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko.

"Sort of. Iba talaga kayong mayayaman no? Sa isang pitik lang ng bulsa niyo kaya niyong mapasarado ang isang restaurant para lang makakain kayo ng tahimik." Manghang sabi niya.

"Ah, ang restaurant na iyon kasi, isa ako sa nag-endorse non. Actually, walang bayad iyong pagkain natin kanina." Nakangiting sagot ko.

"Ano?! Wow! Ibang klase." Bulalas niya pa.

"Bukas pag-uusapan na natin ang about sa kasal. You can meet me at 9am sharp tomorrow okay?" Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Kinabukasan nga ay pinag-usapan na namin ang mga dapat naming ihanda sa kasal.

"Ito ang isa sa mga villa na pag-aari ko sa Italy, gusto ko kasing bumalik dito kaya dito tayo magpapakasal." Paliwanag ko sa kanya at pinakita na ang larawan ng isa sa mga napanalunan kong villa dati.

"Ang ganda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda." Manghang sabi ni Judy Ann habang pinagmamasdan ang lugar.

"We can-

"Sir, may problema tayo." Napatingin kami kay Joshua na kapapasok lang sa loob ng opisina.

"Ano iyon?" Nagtataka kong tanong.

"Kinasal na po ang Kuya ninyo." Pagbabalita niya.

"Ano?!" Napatayo pa ako.

"Sa Maldives sila nagpakasal sir. Isang secret wedding, ano na po ang gagawin natin?" Tanong niya.

Pansamantala naman akong nag-isip.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon