Chapter 9: Shan Cai and Dao Ming Si

517 19 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Paalis na ako para sunduin si Judy Ann. Iwan ko kung bakit pero parang kabado ako.

Jacinth, hindi ka pwedeng mafall sa kanya. May inaantay siyang iba at iyon ang mahal niya. Bulong ko sa isip ko.

"Sir, handa na po ang sasakyan. Susundan lang po namin ang sasakyan ninyo gaya ng utos ninyo. Exclusive restaurant din po ang kinuha ko at nasecure ko na po ang area." Bungad ni Joshua sa akin.

"Sila Mama?" Tanong ko habang nag-aayos.

"Nandoon na sila sir." Sagot niya.

Tumango lang ako.

"Sir, ang Bugatti Divo niyo na sasakyan ang hinanda ko po para gamitin ninyo."

"Good. Let's go" Sabi ko at nagpauna ng lumabas ng kwarto.

Sa 50th floor ng Casino de Chua ay naroon ako nakatira. Isang pension house.

Pagkababa nga namin sa lobby ay nag-aantay na ang sasakyan na sinasabi ni Joshua.

Sumakay na ako roon at minaneho ito, nakita ko naman sa side mirror na sinundan ako ng limang maitim na sasakyan.

Dahil sa trabaho ko ay ilang ulit na akong napahamak, mga hindi matanggap ang pagkatalo nila kaya nagpa hire si Papa ng nasa 50 bodyguards. 25 ang laging nakabuntot saan man ako magpunta at ang iba ay nasa paligid ng casino.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ni Mr. Canoy ay namataan ko si Judy Ann na nag-aantay sa labas.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang makita ko si Judy Ann.

Napakaganda niya. Sobra.

Judy Ann's POV

"Bes, ang ganda mo!" Manghang-mangha si Rubie pagkatapos niya akong ayusan.

"Bes, sigurado ka bang kailangan ko pa magpaganda? Peke lang naman ang lahat ng ito eh." Reklamo ko sa kanya.

"Ano ka ba! Ipapakilala ka ni sir Jacinth sa dragon kaya dapat maganda ka." Sagot niya

"Dragon?" Takang tanong ko.

"Hindi mo ba alam? Mas malupit pa sa Mama ni Dao Ming Si o ni Go Junpyo yang Mama ni sir. Napaka war freak niyan at talagang ipapahiya ka kapag hindi ka niya nagustuhan kaya dapat makuha siya ng ganda mo okay?" Para naman akong kinabahan bigla sa sinabi niya.

"Mas maganda nga sa akin si Shan Cai at Jan Dee pero hindi pa rin sila nagustuhan, so paano pa ako? Huwag na kaya akong tumuloy?" Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"No, no, no! Mas maganda ka sa lahat ng Shan Cai sa buong mundo okay? Kahit mas gwapo pa rin si Jerry Yan kesa kay sir Jacinth eh okay na rin yon atleast ma impress mo ang Nanay ni sir." Sagot niya.

"At isa pa, kailan pa natakot ang isang Judy Ann Lahoylahoy?" Dagdag motivation niya pa.

"Tama, kaya ko ito. Fighting!" Lakas loob na sabi ko.

Naisipan kong abangan na lang si Asungot sa labas dahil nakakahiya kong papasok pa siya sa hindi ko bahay.

Namangha naman ako sa ganda ng sasakyan na tumigil sa harap ko. Kasabay ng pagbukas ng bintana ng sasakyan ay ang pagbungad ng nakangiting si sir Jacinth.

Saka siya bumaba at pinagbuksan ako ng sasakyan.

Shet, ang bango niya.

Naramdaman ko pang pinagpawisan ako.

"You look lovely tonight." Ngiting sabi niya nang makapasok ako sa loob.

"S-Salamat." Nauutal kong sagot.

Ano ba nangyayari sa iyo Judy! Bakit ka nauutal!

Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan papunta sa kung saan.

"Ang tahimik, pa music ako ha." Sabi ko saka nagpipindot ng kung ano.

Pumaibabaw naman ang napakagandang musika.

I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet 
I never knew you were the someone waiting for me

Nagkatinginan naman kaming dalawa, pero ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Pasensya ka na, paborito ko kasi si Ed Sheeran." Sabi niya.

"O-Okay lang."

Bakit ba napaka-awkward?

Napansin ko naman na may sumusunod sa amin.

"Kilala mo ba ang mga sumusunod sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Mga bodyguards ko iyan. Alam mo na, celebrity kasama mo." Nakangiting sabi niya.

"Ang yabang mo talaga eh no?" Irap ko.

"Gwapo naman." Pang-aasar pa niya.

"Saan banda?" Pinakunot ko pa ang noo ko.

"Kahit saang anggulo mo tignan." Lalong lumapad ang ngiti niya.

"Ewan ko sa iyo." Irap ko sa kanya.

Maya-maya lang ay tinigil na niya ang sasakyan.

"Napakatahimik naman." Puna ko sa lugar.

"Exclusive restaurant ito, tayo at sila Mama lang ang nandito, let's go" Sabi niya saka binuka ang siko.

Alinlangan naman akong kumapit roon.

Habang papunta kami sa isang mesa na puro mga nasa 40 to 50's na babae ang nakaupo ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Kalma self.

"Good evening ladies." Nakangiting bati ni Jacinth saka naman napatingin sa amin ang mga ito.

"Oh, mga amega siya ang anak ko. Ang future Chairman ng Chua group and companies." Nakangiting sabi ng babaeng nakilala ko kanina.

"So totoo talaga? Bilyonaryo talaga ang anak mo?" Gulat na sabi ng isang babae roon.

Teka, tama ba ang narinig ko?

Bilyonaryo ang asungot na ito? Akala ko mayaman lang siya pero hindi ko alam na bilyonaryo pala.

"Ma stop that, hindi pa naman tayo sigurado-

"Ano ka ba! Kanino pa ba ipapamana iyan, syempre sa pinakamayaman sa inyong magkakapatid" Nakangiting putol ng ginang sa sasabihin pa sana ni Asungot.

"And who's this lucky girl? Is she the future first lady?" Tanong ng isa sa kanila.

Sa wakas may nakapansin din sa akin, OP na ako masyado.

"Oh, Ma, ladies, I'd like you to meet my fiancee, Judy Ann." Ngiting sabi ni Jacinth.

Alinlangan naman akong ngumiti. At ayan na naman ang tingin ng Mama ni Jacinth.

Mula ulo hanggang paa talaga eh no.

"Anong sinasabi mong fiancee? Alam ba ito nang Papa mo?" Taas kilay na tanong nito.

"Saka ko na siya ipapakilala kapag kasal na kami." Sagot ni Jacinth sa kanya.

"Kailan ba ang kasal? Imbitahin mo kami ha." Magiliw na sabi ng isa pang kasama ng Mama ni Jacinth.

Nakangiting tumango lang si Jacinth.

Kahit nagsisimula na kaming kumain ay hindi pa rin tumitigil sa pagtitig sa akin ang Mama niya.

"Saan kayo nagkakilala ng anak ko?" Tanong niya.

"A-Ahh, sa-

"Anak siya ng isang sikat na businessman din Mama." Si Jacinth ang sumagot sabay hawak sa kamay ko.

Nakakakaba naman ito, ganito siguro ang naramdaman ni Shan Cai nang ipakilala siya ni Dao Ming Si sa Mama nito.

Lupa kainin mo na akoooo!

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon