Chapter 8: Now it's my turn

507 13 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Hmm, sino iyan?" Nakapikit kong tanong.

"Sir si Joshua ito, emergency lang po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sir si Joshua ito, emergency lang po."

"Pasok." Walang gana kong sagot saka bumangon at umupo sa kama.

"Sir, may problema tayo. Nakarating na sa Papa ninyo na nandito ang Mama ninyo, gusto niya kayong makausap." Balita ni Joshua.

Napakamot naman ako sa ulo ko narinig ko.

"Lagot na naman ako, maliligo lang ako."

Tumango na si Joshua saka ako iniwan.

Agad ko ngang tinawagan si Papa pagpasok ko nang opisina.

"Papa, magandang-

"Ano bang pinag-gagawa mo! Nakahanap na ng mapapangasawa ang Kuya mo pero wala ka pang pinapakilala! Ang walang utang na loob na iyon! Sa babaeng mukhang pera pa talaga magpapakasal!" Galit na bungad niya sa akin.

"Papa, huminahon po kayo. Baka mapano-

"Kung sana ginagawa mo ang gusto ko wala sana tayong problema ngayon! I told you to make me proud! You're such a disappointment! At hinayaan mo pang perahan ka na naman ng Ina mong mukhang pera!"

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Papa, I'll make things work. Hayaan niyo po mauunahan ko rin si Kuya sa pagpapakasal at-

*Toot toot*

Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang naputol na ang tawag.

"Maam, Maam you cannot enter here."

Napatingin ako sa pinto ng opisina ko nang makarinig ako ng tila nagkakagulong mga tao.

"Ano ba! He's my son, bakit ayaw niyo akong papasukin sa loob?!" Galit na sabi ng pamilyar na boses.

Mama

Napahawak ako lalo sa sentido ko bago binuksan ang pinto.

"Anak, mabuti at nandito ka. Tanggalin mo nga sa trabaho ang mga ito at hindi marunong gumala sa Ina ng boss nila." Galit na sabi ni Mama.

Sumenyas na ako sa kanila na iwan kami.

"Pasok tayo sa loob." Walang gana kung aya sa kanya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kinailangan ko pa tuloy magpunta-

"Magkano kailangan ninyo? Sabihin niyo na agad para maipahatid ko na kayo sa Pilipinas. Sinabihan ko na kayo, ayaw ni Papa na nakikipagkita kayo sa akin. Gusto niyo ba talaga na ilayo niya ako ng tuluyan sa inyo?" Seryosong sabi ko sa kanya.

Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Gusto ko lang naman magpapansin sa iyo eh. Ang tagal mo na akong hindi dinadalaw, noong nagpunta ka ng Pinas hindi mo man lang ako dinalaw." Parang nakonsensya naman ako sa sinabi ni Mama.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon