Chapter 17: Don't go

493 21 0
                                    

Judy Ann's POV

Nakarinig ako na nagkakagulo na sila sa labas.

"Napasukan tayo! Tara tulungan natin sila Boss." Pagbabalita ng isang kasama nila.

"Paano ang bihag?" Tanong naman ng kalbong kasama nila saka napatingin sa akin.

"Hayaan muna natin iyan diyan, hindi naman makakatakas ata iyan." Sabi ng kasama pa nila saka nila ako iniwan.

Kakalabas pa lang nila nang matumba sila sa akin.

May mga kasamahan na si Jacinth na nagpunta sa akin.

Agad akong pinakawalan ng isang bodyguard niya habang ang iba ay pinaggugulpi ang tatlong nagbantay sa akin.

"Salamat." Sabi ko sa nag-alis ng tali ko saka sumama na sa kanila.

Palabas na sana kami ng building nang makita ko si Jacinth na hahampasin sana si Jason ng baseball bat.

Huwag!" Napatingin naman siya sa akin.

"Huwag mong dungisan ang kamay mo." Dagdag ko pa.

Nakining naman siya sa sinabi ko at binitawan ang baseball bat.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tanong niya nang makalapit sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tanong niya nang makalapit sa akin. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko.

"Okay lang ako." Sagot ko kahit dama ko pa rin ang panginginig.

"Mabuti naman." Pagkasabi niya non ay nagulat ako nang bigla siyang mapaluhod.

"Jacinth?" Tanong ko sa kanya.

Pero hindi na niya ako na sagot dahil nawalan na siya ng malay.

"Jacinth!" Sigaw ko sa kanya.

"Sir!" Napalingon ako kay Joshua na nakalapit na rin sa amin.

Agad namin sinugod sa hospital si Jacinth.

"Diyos ko." Bulong ko habang nag-aantay kami sa labas ng operating room.

"Mukhang hindi maganda ito, baka malaman ng Papa niya ito malalagot na naman si sir Jacinth." Narinig kong sabi ni Joshua.

Nag-antay lang kami nang nag-antay. Hanggang sa lumabas na nga ang Doctor.

"He's stable now, good thing he was rushed immediately. We'll transfer him to his room."

Nakahinga naman kami ng maluwag ng marinig ang sinabi ng Doctor.

Nakabantay lang kami ni Joshua sa pag-gising ni Jacinth.

"Hindi deserve ni sir Jacinth ito." Seryosong sabi ni Joshua.

Napatingin ako sa kanya.

"Tumawag sa akin ang Chairman, gusto na naman siyang kausapin. Sigurado akong nakaabot na sa kanya ang balitang ito." Napahawak pa siya sa sentido niya.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon