Chapter 15: Jel's little brother?

468 16 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Napabuntong-hininga ako nang makita si Judy Ann na tila nalungkot nang makita ang mukha ng lalaki.

Hindi siya si Jel.

"Sir, paano kung lahat ng nasa listahan natin hindi ang taong hinahanap natin?" Napalingon ako kay Joshua.

"Simple lang, tatanggalin kita sa trabaho." Sagot ko.

"Sir naman! Bakit naman nadamay ako?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Kasi, kung ginawa mo ng maayos ang trabaho mo mahahanap natin siya. Kaya kung hindi mo pa nalilista ang Jel Leigh na hinahanap natin, ilista mo na kung mahal mo pa ang trabaho mo." Malumanay pa ang boses ko habang nagpaliwanag sa kanya.

Sasagot pa sana si Joshua pero nakalapit na si Judy Ann sa amin.

"Kumusta?" Tanong ko.

"Kapatid niya iyong Jel Leigh, pupuntahan namin siya. Huwag niyo na ako samahan may sasakyan naman siya." Nakangiting sabi ni Judy Ann.

Kitang-kita ang pag-asa sa mga mata niya.

Sana hindi siya mabigo, sana ang lalaking hinahanap niya na talaga ang pupuntahan nila ngayon.

"Sige, tawagan mo na lang kami kapag magpapasundo ka." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya saka sumama na sa lalaking kausap niya kanina.

"Teka sir, hahayaan lang natin siyang sumama sa lalaking hindi natin kilala?" Tanong ni Joshua nang makaalis na sila.

Kinindatan ko muna siya bago nagsalita.

"Ihatid mo na muna ako sa villa, pipirmahan ko iyong mga kailangan pirmahan para maihatid mo na sa main branch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ihatid mo na muna ako sa villa, pipirmahan ko iyong mga kailangan pirmahan para maihatid mo na sa main branch." Sabi ko pagkatapos naming kumain.

On the way na kami nang magring ang phone ko- Si Mama.

"Ma, bakit ka napa-

"Anong bakit?! Balitang balita ang kasal ng Mac na iyon! Akala ko ba uunahan mo siya?! Paano na ngayon iyan!" Nilayo ko pa ang phone ko sa tenga dahil sa sigaw niya.

"Ma, relax-

"Paano ako makakarelax! Pinagyabang ko na sa lahat na ikaw ang magiging Chairman ng Chua group of companies! Anak naman, akala ko ba ikakasal ka sa pekeng bride mo?" Napahawak pa ako sa sentido ko.

"Sino ba kasi nagsabi sa inyo na ipagyabang niyo ako? Sige na po, busy po ako ngayon eh. Tawagan kita mamaya." Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya at binaba ko na ang tawag.

Sumakit ata ang ulo ko dahil sa pag-uusap namin ng Mama.

Judy Ann's POV

Hindi pa rin mawala ang pinaghalong kaba at excitement sa puso ko.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon