Chapter 4: Marry me

626 16 0
                                    

(A/N: Thank you for reading! Paramdam naman kayo para makapagpasalamat ako sa inyo hehehe. Sorry po natagalan ang pag-uupdate medyo naging busy lang po. Enjoy! Don't forget to leave your comment and vote 💕)

Jacinth Jude's POV

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang masungit na babae kanina sa elevator.

Parang natatae na naiihi ang mukha niyang hindi na maipinta.

"Mr. Canoy will guide you more, so just enjoy the night. Thank you." Sabi ko at binigay na kay Joshua ang mikropono.

"Joshua, anong pangalan ng babaeng iyon?" Tanong ko kay Joshua

"Ah, siya po ang isa sa nirecommend ni Mr. Canoy sir, Ms. Judy Ann ang pangalan niya." Sagot niya.

"Okay, papuntahin mo siya sa opisina ko."

Halata ang gulat sa mukha ni Joshua pero kinindatan ko lang siya saka nagpunta na sa opisina.

Maya-maya nga ay pumasok na si Joshua kasama ang masungit na babae kanina.

"Iwan mo muna kami." Seryosong sabi ko.

"Yes sir." Sagot ni Joshua saka lumabas.

"So, you are-

"I'm sorry sir. Please don't fire me, I really need this job." Mabilis pa sa alas kwatrong sabi niya habang nakapikit ang mga mata.

"Look, I'm not-

"Inaamin ko po na kasalanan ko iyong kanina sa taas, pero yung nangyari sa Pilipinas kasalanan niyo iyon, siguro naman kahit boss ko kaya pwede akong maging honest sa inyo. Honesty is the best policy po hindi ba?" Putol niya sa sasabihin ko pa.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.

"A-Anong nakakatawa sir?" Nawala naman ang ngiti ko nang mataray niya na akong tinanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-Anong nakakatawa sir?" Nawala naman ang ngiti ko nang mataray niya na akong tinanong.

Halata ang inis sa boses niya.

"I'm sorry. Iniisip mo talaga na binosohan kita? Kaya kita pinatawag dito para malinis ang pangalan ko, may butil ng kanin ka sa dibdib mo kaya ako nakatingin sa parteng iyon nung gabing iyon."

Natahimik naman siya sa sinabi ko.

Judy Ann's POV

Napakagat naman ako sa labi ko sa sagot ng asungot kong boss. Saka ko lang naalala ang sinabi ng pinsan ni Rubie nang gabing iyon.

Flashback

"Napakabastos talaga ng mga mayayamang iyon, pwera mayaman sila akala nila lahat ng babae mababastos nila. Kahit gwapo pa siya- Teka! Tumigil ka Judy! Kung walang respeto, hindi maituturing na gwapo." Parang baliw na bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang condo unit ng pinsan ni Rubie.

"Here's the info, she's so excited to finally see you Judy." Nakangiting sabi ng pinsan ni Rubie sa akin.

"Thank you very much."

"Wait, I hope you don't mind pero may butil ng kanin sa dibdib mo."

End of flashback

Napapikit naman ako nang maalala ko iyon. Shit! Nakakahiyaaaaaaaa

Lupa! Kainin mo na akooooo.

Agad naman akong napaluhod sa sahig ng opisina niya.

"Sir, sorry po para niyo ng awa kahit-

"Marry me."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"P-Po?"

"Naghahanap ako ng magiging asawa ko bago matapos ang buwan na ito. Kung sino kasi ang mauuna sa aming magkakapatid, siya ang magiging tagapagmana ng lahat. Huwag kang mag-alala babayaran kita" Sagot niya.

Nababaliw na ba siya? Teka... Di kaya inaalok niya ako dahil nakita niya na malaki ang dibdib ko? Tapos talagang binosohan niya ako nang gabing iyon? Palusot pa itong manyakis na ito ah.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at nakangiting humarap sa kanya.

Napangiti naman siya sa gestures na pinakita ko.

"Pumapayag ka na?" Nakangiting sabi niya.

Malanding lumapit ako sa kanya na mas lalong nagpangiti sa kanya na halos abot na ang dalawang tenga niya... Saka ko siya sinuntok na siyang kinagulat niya.

"Kung akala mo lahat ng babae nabibili ng pera pwes ibahin mo ako dahil dalagang pilipina ako at hindi liberated na katulad ng minamanyak mo. Kunware ka pang tungkol sa mana-mana! Kahit kailan hindi mo matitikman o mahahawakan man lang ang katawan ko! Over my dead body! Gwapo ka nga pero manyakis ka naman! Magpacheck-up ka baka sakit na iyan!" Pagkasabi ko noon ay agad na akong lumabas sa opisina niya.

Akala niya siguro porke mayaman at gwapo siya eh madadala niya ako. Alam ko na mga galawan niya, nagkamali siya ng inalok.

Jacinth Jude's POV

Para naman akong mahihimatay sa suntok ng Judy Ann na iyon.

"Sir, tatanggalin ko po-

"Huwag, okay lang ako." Natatawang sabi ko.

"Sir?" Halatang gulat sila sa reaksyon ko.

"Joshua, huwag ka na maghanap ng mapapangasawa ko. I want Judy Ann to be my wife. Do everything para mapa-oo natin siya." Utos ko kay Joshua na hanggang ngayon nagtataka pa rin.

"Y-Yes sir"Alinlangan niyang sagot.

"Bukas na ang laro ko sa ilang investors ni Kuya hindi ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes sir, binalita ko na rin kay sir Michael ang tungkol doon." Sagot niya.

"Pupunta ba si Kuya?" Tanong ko kahit alam ko na sa sarili ko ang sagot.
"Hindi po nagconfirm si sir Michael since busy po talaga si sir Mac." Napabuntong hininga naman ako.

Minsan ko lang makita si Kuya na nanonood ng mga laro ko, pero sa lahat ng minsan na iyon- dahil lang mga investors ng kumpanya namin ang kalaro ko.

Mabuti na rin iyon, pero si Papa? Ni minsan hindi talaga siya nanonood ng laro ko. Sabagay sa aming tatlo, iyong Mama ko ang pinaka hindi niya gusto at ginamit lang niya para iwan na siya ng Mama ni Kuya Mac. Kaya lahat ginagawa ko para mapansin niya, kung ang pag-agaw ng lahat kay Kuya Mac ang gusto niya, gagawin ko para lang mapansin niya rin ako.

Judy Ann's POV

"Talaga? Inalok ka niya ng kasal?" Gulat na reaksyon ni Rubie nang ikwento ko sa kanya ang nangyari.

"Oo! Akala siguro niya porke mayaman siya kakagat ako. Ginaya ba naman ako sa mga liberated na nakakama niya siguro." Mataray na kwento ko kay Rubie

"Ibang klase! Anong meron sa iyo Bes? Alam mo ba na matagal ko ng crush si sir Jacinth? Ang gwapo kaya niya sigurado ka bang siya ang umalok ng kasal sa iyo?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Bes sino ba ang kinakampihan mo?"

"Siyempre siya este ikaw." Natatawang sagot niya

"Pero Bes, kung seryoso si sir Jacinth bakit hindi mo igrab? Hindi ba babayaran ka niya? Tapos magkakagreen card ka na, remember mag-eexpire rin iyang visa mo." Paalala niya.

"Alam mo Bes, susubukan ko na lang mag-apply ulit kesa magpakasal sa asungot na iyon. Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa buong mundo hinding hindi ako papatol sa kanya." Sagot ko.

"Yabaaang! Baka kainin mo iyang sinabi mo gaya ng napapanood natin sa mga teleserye ha!" Natatawang banat pa niya.

"Bes teleserye iyon, realidad ito. Maglalaon na lang ako kesa mahulog sa kanya." Irap na sagot ko.

Kahit gaano pa siya kagwapo hinding-hindi ako mahuhulog sa manyakis na iyon. At kahit mahulog ako sa kanya, hindi rin naman pwede. Kaya wala ring patutunguhan ang lahat.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon