Chapter 24: He's Back

508 17 0
                                    

Jacinth Jude's POV

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Judy Ann at ang paghalik niya sa akin.

Damn! Kalalaki kong tao pero kinikilig ako! Normal pa ba ako?

"Sir, mukhang okay na kayo ha?" Ngiting tanong ni Joshua.

Ngiti lang ang sinagot ko.

"Hindi sa panira ako ng mood, pero sigurado na ba talaga na hindi na niya hahanapin pa si Jel?" Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Joshua.

"Ayoko lang masaktan ka, paano kung biglang magpakita?" Tanong niya pa.

"Kung saan magiging masaya si Judy Ann kahit hindi sa piling ko, masaya na rin ako." Pilit ang ngiting sagot ko kahit taliwas ito sa sinisigaw ng isip ko.

Hindi ka magiging okay Dude!

Natigil kami sa pag-uusap nang tumawag si Michael.

"Sir, magandang balita may donor na si sir Mac!" Masayang balita niya.

Napangiti naman ako ng malapad.

"Talaga? Sino?" Usisa ko.

"Hindi pinapasabi sir, pero hindi lang si sir Mac pati na rin ang tatay ni Jocille."

"Sige, papunta na ako ngayon diyan."

"Joshua, alamin mo kung sino ang donor ni kuya. Hindi pwede na hindi ko siya mapasalamatan sa kabayanihan na gagawin niya." Ngiting sabi ko kay Joshua.

"Yes, sir." Sagot niya.

Papasok na sana ako ng ospital nang makita ko si Don Cezar na seryosong nakikipag-usap sa isang babae habang nagpapatila sa ulan.

Bigla ko naman naalala na may sinabi pala siya noong huli kaming nag-usap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla ko naman naalala na may sinabi pala siya noong huli kaming nag-usap.
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko iyon.

Siya ba ang ina ng anak na sinasabi niya?

Sakto namang pinasakay na niya ng taxi ang babae kaya nakalapit ako sa kanya.

"Siya ba ang ina?" Tanong ko sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin saka tumango.

"Paano nangyari?" Tanong ko.

"Saka ko na ikukwento, balita ko may donor na si Kuya." Pag-iiba niya ng usapan.

Tumango lang ako at sabay na kaming pumasok ng ospital.

"Mauna ka na roon, dadaan muna ako sa opisina ng doctor ni Kuya. Baka pwede niyang sabihin sa akin kung sino ang donor." Sabi ko sa kanya.

Paliko na sana ako papunta sa pasilyo kung saan makikita ang opisina ng doctor nang makita ko si Raven Lee na kausap ito.

"Thank you for doing this, hindi lang isang buhay ang ililigtas mo." Rinig kung sabi ng Doctor.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon