Chapter 7: The Proposal

556 19 0
                                    

Judy Ann's POV

"Ms. Judy Ann, pinapatawag po kayo ni Sir Jacinth." Natigil ako sa pagdedeal sana ng cards nang lapitan ako ni sir Joshua.

Tumango ako at binigay na muna niya sa isa kung kasama ang mesa ko.

Pagbukas ng elevator ay may isang matandang nasa loob. Kilala ko siya, isa siya sa nakalaro ni Mr. Asungot noong nakaraan.

Habang paakyat ang elevator ay nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa dibdib ko. Nang tumingin ako sa kanya ay umiwas siya ng tingin.

Maya-maya nahuli ko siya na nakatingin sa legs ko.

"Excuse me, ano bang ginagawa ninyo? Bakit kayo nakatingin sa legs ko?" Mataray na sabi ko sa kanya.

Alam ko na Pilipino siya dahil narinig ko na siyang magsalita ng tagalog noong laban nila ni Mr. Asungot.

"Pinay ka? Alam mo Miss, hindi ka kasi nababagay sa lugar na ito. Bakit hindi ka sumama sa akin? Naghahanap ako ng magiging sekretarya ko." Malambing na sabi niya saka akmang hahawakan ako pero mabilis kong nasipa ang iniingatan niyang kayamanan.

"Ahhhh!" Napasigaw pa siya sa sakit.

"Pwede ba kung gusto mo ng babaeng mamamanyak sa bar ka magpunta hindi iyong ako ang minamanyak mong matanda ka!" Galit na sabi ko.

"Walang hiya ka! Hindi mo ba ako kilala!" Sabi niya habang hawak pa rin ang bayag niya.

"Wala akong pakialam kung sino kang amoy lupa-

"Ah ganoon!" Sabi niya saka sasampalin sana ako pero bumukas na ang elevator.

Nagulat ako nang makita si Mr. Asungot na seryosong nakatingin sa amin.

"Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mr. Buen, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae." Nakangiti na niyang sabi.

"M-Mr. Cadenas, tinuturuan ko lang ng leksyon itong dealer mo. Hindi marunong gumalang sa nakakatanda sa kanya." Sagot niya.

Napakasinungaling talaga, babaliktarin pa ako.

"Sino ba namang gagalang sa manyakis na katulad mo!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Aba't!" Akmang sasampalin na naman niya ako nang hawakan ni Mr. Asungot ang kamay niya.

"Mr. Buen, bukod sa hindi mo ginalang ang kapwa mo Pilipino, hindi mo rin ginalang ang trabahante ko rito. Gusto mo bang umabot tayo sa kasuhan? Kitang kita pa naman sa CCTV ang ginawa mong kabulastugan." Seryosong sabi ni Mr. Asungot.

Napalunok naman si Manyakis saka napatingin sa CCTV.

"Wala naman akong sinasabing magkasuhan tayo. Sige na aalis na ako, at baka malasin pa ako sa laro ko ngayon." Sabi niya saka nagmamadaling lumabas ng elevator.

Takot naman pala ang manyakis na ito.

"Tayo na." Sabi niya saka ako hinila.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang mga kamay ko.

The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon