Chapter 16: Saving my joker

487 16 0
                                    

Jacinth's POV

Nang ibaba ko ang tawag ay napansin kong umiilaw yung voice tracker na binigay ko kay Judy Ann.

Agad kong pinakinggan iyon.

"Bitiwan niyo ako!" Narinig kong sabi niya sa kung sino.

"Joshua, puntahan natin ang address na ito. Bilisan mo!" Utos ko kay Joshua.

"Sabi na sir eh! Wala talaga akong tiwala sa lalaking iyon. Siya kasi iyong nakaaway dati ni Mr. Canoy dahil nagpupumilit siyang makalaro kayo ng poker." Sabi ni Joshua habang mabilis na ni U-turn ang sasakyan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Galit na tanong ko sa kanya.

"Eh, hindi naman kayo nagtanong eh." Sagot pa ng mokong.

Mabuti na lang at malapit lang kami sa pinagdalhan kay Judy Ann.

"Joshua, ipatawag mo mga bodyguards natin. Siguraduhin mo na walang mga pulis dahil baka malaman ng Papa ito. Aaliwin ko muna siya, bago ako mabugbog dapat andito na kayo ha? Ayokong magasgasan ang mukha ko kaya bilisan mo kundi ibibitay kita patiwarik." Bilin ko sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan at nagtungo papasok ng lumang building.

Naabutan ko naman na hawak niya ang buhok ni Judy Ann.

"Hoy! Bakla ka ba? Bakit pumapatol ka sa babae?" Sigaw ko sa kanya.

Napatingin naman sila lahat sa akin.

"Sir, siya po si Mr. Jacinth Jude." Narinig ko pang bulong ng isang tauhan niya.

Nakita ko naman na nabuhayan ng pag-asa ang mukha ni Judy Ann nang makita ako. Kinindatan ko naman siya.

"Ahh, ikaw pala ang bilyonaryong si Mr. Jacinth Jude." Sarkastiko pang ngumiti ang lalaking katagpo namin kanina.

"Ako nga, ano namang meron sa iyo at nagtatago ka sa saya ng babae?"

Akmang lalapit na sa akin ang mga bodyguards niya pero pinigilan niya ang mga ito.

"Girlfriend mo ba ito? Bakit ka nakikialam ha?"

"Bored ako eh. May narinig kasi akong chismis na gusto mo raw makalaro ako ng poker. Kaya nagpunta ako rito, gusto mo subukan?" Ngiting sabi ko sa kanya.

"Ahh, so makikipaglaro ka kapalit ng babaeng ito?" Tanong niya pa.

"Kapag nanalo ako, pakakawalan mo kami pareho. Kapag nanalo ka just name your price." Seryosong sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya.

"Oo nga pala! Bilyonaryo pala ang kaharap ko! Kaya mo naman sigurong bigyan ako ng ten billion kapag nanalo ako no?" Mayabang na sabi niya.

"Sure! Iyon eh kung... Mananalo ka." Ako naman ang sarkastikong ngumiti.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Billionaire's Joker (Billionaire Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon