C H A R A C T E R:
Park Jimin as himself
Brei Luna as Son Rei
Leeso's POV"TUMAKAS KANA!" Sigaw sakin ni Hyeongwon.
"Hindi ko pwedeng gawin 'yon. Hindi kita iiwan dito. Kaya halika na!" Pagmamatigas ko.
"Kahit ngayon lang Leeso. Makinig ka naman sakin. Kailangan mong makaalis. Para ito sa ikabubuti mo. Kailangan ko silang iligaw para masiguro ang kaligtasan mo." Pangungumbinse nya.
"Paano ka?" At nagsimula na akong umiyak.
"Pasensya na kung ginulo ko ang tahimik mong buhay Prinsesa. Sana hindi nalang ako ang iyong minahal."
Isa akong princesa sa isang dinastiya. Ngunit dahil sa pagmamahal ko sa isang hamak na kawal ay nagawa kong gumawa ng isang malaking kasalanan. At ngayon ay nagkaroon na ng kautusan na pagkami'y nakita ay kailangan kaming paslangin.
"Hindi. Kailangan mong sumunod sa 'kin. Aantayin kita sa ilog ng Nakdong (낙동) bago sumilay ang araw. Aasahan ko ang iyong pagdating mahal ko. Mag-iingat ka. Mangako ka sa akin." Natatakot ako sa kaligtasan naming dalawa.
"Antayin mo ako doon. Mamumuhay tayo ng masaya mahal ko. Pangako susunod ako." Nabuhayan ako sa pangako nya kaya umalis na ako ng marinig ko ang mga yapak ng mga kabayo.
Labis akong kinakabahan dahil malapit ng mag-umaga ngunit wala parin sya.
"Nangako ka sakin. Panghahawakan ko iyon." Bulong ko sa aking sarili.
Third Person POV
Nananatiling naghihintay ang prinsesa sa pagdating ng kanyang mahal. Ngunit sa kabilang banda, hindi pinalad na makatakas si Hyeongwon.
Pumatak ang kanyang mga luha dahil sa unang pagkakataon hindi nya matutupad ang kanyang pinangako.
"Hyeonwon." Tawag ng prinsesa sa kanyang mahal marahil alam nya na ang nangyari dito.
"Hanggang sa susunod na buhay. Ikaw parin ang aking mamahalin. Pangako." Sabay na turan ng magkasintahan mula sa kanilang kinaroroonan.Ilang siglo pa ang lumipas...
Someone's POV
"Next applicant." Preskong sabi ko dahil naboboring na 'ko dito. Walang matino.
"Okay. What position are you applying for?"
"Executive assistant po."
"Hindi mo ba alam na wala ng available position for that? Next applicant." Wasting my time.
"Sir kahit an--"
"I said next applicant." Matigas na sabi ko.
Sumunod dito ang isang napakagandang babae.
"Position?"
"S-secretary." Napaangat ang tingin ko dito. Finally.
"You're hired." I immediately said.
"P-po. T-tanggap na 'ko?" Nagtatakang tanong pa nya.
"Yes. Teka utal ka ba talagang magsalita? Magiging sekretarya pa naman kita." Hindi pwedeng utal-utal sya magsalita.
"H-hindi. Ayy hindi. Kinakabahan lang ako."
"What's your name?"
"Rei. Son Rei." Okay Rei.
BINABASA MO ANG
BTS Oneshots (ROS) [Book I]- COMPLETED
FanfictionOT7 Oneshots Individual Member Oneshot