C H A R A C T E R:
Yoongi Min as himself
Jeongmin Hyun as Sojin Kang
Sojin's POV"Alam mo ikaw kahit kaylan ka talaga eh 'no. Panira ka. Alam mo bang kinikilig ako kasi nanotice ako ng bebe Lance ko?" Pagbubunganga na naman ng kaibigan ko.
Paano ayaw magpaistorbo nagpapasama lang naman ako sa mall. Napakadamot.
"Oh sige dyan kana sa bebe mo. Pero pag-umiyak ka dahil dyan. Huwag kang pupunta sakin ah. Pinapakilig kalang nyan pustahan pa tayo."
"Shu shu na Sojin. Sige na hindi ako niloloko nito. Palibhasa kasi mahar bitter ka. Ewan ko ba wala ka naman naging boyfriend pero daig mo pa ang mga may ex." Pake nya ba. Basta parang pinaglihi ako sa ampalaya.
"Babush na nga." Hay nako kala mo hindi kaibigan. Pinagpalit ba naman ako dun. Tama ba yun?
Pagkalabas ko ng cafe.
Kung minamalas ka nga naman oh. May nabangga pa 'ko.
"Ayy, ano ba yan. Sorry." Sabay akmang dadamputin ang mga nahulog sa bag ko pero tinulungan nya 'ko.
"Ipagpaumahin mo. Sadyang naninibago lang ako sa aking kapaligiran kaya hindi kita napansin." Wow naman.
"Grabe para kang makata. Tsaka diba traditional wear yan? May pupuntahan ka ba?" Alam nyo yung mahabang damit nung sinauna?
"Hindi. Ito talaga ang aking kasuotan." Weird.
"Ah ganun ba? Sige una na 'ko."
Akmang lalagpasan ko na siya pero bigla syang nagsalita.
"Teka lamang. Maaari mo bang 'kong bigyan ng mga ganyang klase ng damit. Magbabayad ako ng ginto." Wait. What?
"G-ginto? Pera na ang uso ngayon Kuya. Pero pwede mo naman yan ipapalit." Suhestyon ko.
"Maaaring maligaw ako dahil napakalaki ng ipinagbago ng lugar na ito. Tanging puro puno lamang ito noon." Naweweirduhan ako sa kanya.
"Teka saan kaba nakatira? May bahay kaba? May pamilya?"
"Mayroon ngunit sa aming panahon. Hindi ko maalala paano ako napunta dito. Anong taon na nga ba?" Pagtatanong nya.
"2020."
Mababaliw ako dito jusko. Baka naman baliw sya?
"Mula ako sa taong isang libo't pitong daan at anim (1706)." Natawa naman ako.
"Sabihin mo nga. Baliw kaba?"
"Nagkakamali ka. Nagsasabi ako ng katotohanan."
Pinagtitinginan na kami dahil nga sobrang makalumang tao nya.
"Halika na nga. Many people are looking at us. Follow me." Tinignan nya lang ako.
"What are you looking at? Follow me." Bigla kong naalala galing daw sya 'kuno' sa past.
"Ang sabi ko sundan mo'ko." Mukha namang naintindihan nya.
Kahit pinagtitinginan na kami ay tumuloy kami sa mall.
Unahin ko na 'to. Pumunta kami sa botique.
"Miss. Find her shirts and coat. Sama mo narin pants. Kung anong tingin mo ang size nya." Utos ko sa sales lady.
BINABASA MO ANG
BTS Oneshots (ROS) [Book I]- COMPLETED
FanficOT7 Oneshots Individual Member Oneshot