• 21 • Unexpected Admirer

6 3 0
                                    


C H A R A C T E R:
     Shing Kimjulia
     Shing Tan
     Park Jimin

Julia's POV

    Kumakanta ako habang may nakasalampak ng earphone sa tenga ko. Nagulat nalang ako ng biglang may bumatok sakin.

   "What the?!" napalingon ako sa bumatok sa'kin.

   At sya na naman. Ang dakilang 'heartrob' daw ng school nato. Si Park Jimin.

   Sa dami ng pwedeng pagtripan ako talaga?

   "Bat papalag ka na ba Julia?" maangas niyang sabi.

   "Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo. Magpakamatay ka nalang. Atleast diba 'di kapa nakakagulo?" hindi ako magpapatalo 'no.

   "Sino ka naman para utusan ako Ms. Julia? Ni wala ka ngang kaibigan eh. Nakakaawa ka naman." sabay kunwaring iyak.

   "As if i care?" sabay talikod sa kaniya at umalis.

   Bwiset na lalaki 'yon. Ang aga-aga nang bibwiset. Grr.
Habang naglalakad sa hallway. May nakabangga sakin. Kung minamalas ka nga naman.

   "Sorry." agad kong sabi. Baka mamaya magalit pa e.

   'Di sya nagsalita at tinalikuran lang ako. Masakit lang na parang 'di niya ko kilala.

   Ako kasi kilalang kilala ko sya. Syempre kambal ko 'yon eh. Pero sabi niya sakin. 'Wag ko daw sasabihin kahit kanino. Pag may nagtatanong kung magkaano ano kami. Lagi niyang sinasabi. 'Wala, magka-apelyido lang.'

   Haist. Sa bahay niya lang ako kinakausap.

   Mabilis namang lumipas ang oras. At uwian na. As usual. Wala akong kasabay umuwi. Gabi nadin ang uwian namin. 7pm.

   At dahil hobby kong magsound trip. Naka earphone na naman ako. Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sakin at may tumutok na matalim na bagay sa tagiliran ko.

   "Akin na pera at cellphone mo. 'Wag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong mamatay." nangatog yung tuhod ko. Sana may magligtas sakin.

   Pagkurap ko. Nakita ko nalang yung lalaking nangholdap na nakadapa na sa lupa.

   Tapos nakita ko yung isang lalaking nakahoodie at nakaface mask. Thanks to him.

   Magthank you sana ko pero bigla siyang naglakad papalayo.

   Dahil natatakot akong umuwi magisa. Tinawagan ko si Tan. Agad naman niyang sinagot at kinuwento sa kaniya ang nangyari.

   Agad naman siyang nakarating.

   "Okay ka lang?" bakas sa mukha nya na nag-alala siya sa'kin.

   "Sabay na tayo umuwi please." tumango naman siya.

   Si Tan. Siya yung kakambal kong nabangga ko kanina.

   'Di pa kami nakakalayo ng biglang nakita ko si Jimin. Bali nakasalubong namin. Kinabahan ako kasi kasama ko si Tan. Di ko pala nasabi. Si Tan at Jimin ay magkaaway sa lahat ng bagay higit sa lahat. Silang dalawa ang leader ng dalawang gang sa school namin.

   "Hi Julia." sabay wink sakin. Tf?

   "Ano na naman." mataray kong sagot sa kaniya.

   "At bakit mo kasama mong si Tan?" tanong nya.

   "Ahm. K-kasi ano..." nauutal ako. Ano bang sasabihin ko.

BTS Oneshots (ROS) [Book I]- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon