C H A R A C T E R:
Namjoon Kim
Hoseok Jung
Allyna Peralta as Eliana Jo
Eliana's POV"Boo." Sigawan ng mga tao matapos kong pumiyok sa gitna ng aking pagkanta.
"Bakit kapa sumali ang panget naman ng boses mo. Boo. Piyok piyok. Hahaha." Sabay tawanan nila.
Umiyak ako kasabay ng pagbaba ko ng entablado.
Kaya ayoko iparinig ang boses ko lalo na pagkinakabahan. Nawawala ako sa tono.
Akmang lalabas na ako ngunit hinawakan ako ng isang batang lalaki.
"You have a good voice." Sabi nya bago nya ako bitawan.
Sinalubong ako ng nanay ko."Anong nangyare?"
"Mama. Ayoko na. Hindi nako kakanta o kahit magsasalita. Ikaw lang tapos si Hoseok ang kakausapin ko. Huhu mama." Sabay iyak ko.
Napagpasyahan naming umuwi. Kaming dalawa nalang ni Mama ang magkasama sa bahay. Wala akong kapatid at patay narin si Papa.
"Mama. Wala tayong makakain? " Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng nanay ko. Alam ko na.
"Natanong ko lang po ma. Busog pa naman po ako." Pagkukunwari ko.
May isa lamang akong kaibigan. Yun ay ang bata sa harap ng bahay namin. Napakagara ng bahay nila dahil mayaman sila.
"Bakit malungkot ka na naman Eliana?" Tanong nya sa'kin habang nakaupo kami sa gilid ng kalsada.
"Naaawa ko sa nanay ko Hobi. Kung malaki na'ko. Sana nabibigyan ko sya ng pera. Huhu." Umiiyak na naman ako. Iyakin ako eh.
"Ayy nako Eli. Diba sabi ko naman sayo. Pag may kailangan ka kakausapin mo'ko. Pwede kita tulungan. Ano pa't magkaibigan tayo diba?" Tumango naman ako.
Nakita ko si Mama na lumabas ng bahay.
"Ma? Saan ka po pupunta?" Tawag ko ng pansin.
"A-ano anak. May pupuntahan lang ako. M-mangungutang. Dyan ka lang ah?" Nakakapagtaka dahil parang ang dami nyang dala.
Maliban pa doon. Malapit ng maggabi.
"Ingat po kayo mama ni Eli." Pagpapaalam din ni Hobi.
"Sige ma. Umuwi kadin po agad ah?" Sabay ngiti ko.
Pagkatapos nun ay nag-antay ako sa labas ng bahay namin dahil hindi pa sya umuuwi.Madilim na ngunit wala parin sya.
"Mama." Pumasok na ako ng bahay dahil medyo malamok na sa labas.
Walang bigas. Pati ulam. Humiga na lamang ako. Itutulog ko nalang 'to.
Nagising ako at hinanap agad si Mama."Ma?" Hindi malaki ang bahay namin. Kaya dapat makikita ko agad sya pagmulat ng mata ko.
Pero wala. Walang bakas ni Mama.
Nagsimula akong umiyak. Lumabas ako ng bahay. At bumungad agad sakin si Hobi.
"Hobi huhu. Wala ang mama ko. Hindi sya umuwi. Hobi. Wala na'kong mama."
"Tutulungan kita."
BINABASA MO ANG
BTS Oneshots (ROS) [Book I]- COMPLETED
FanfictionOT7 Oneshots Individual Member Oneshot