I Still Miss You...A Little Bit

96.9K 1.6K 32
                                    

Chapter One

"MOMMY, can I 'ave tam ayt cream?"

Mula sa pagmamaneho ay sinulyapan ni Bernadette ang mahigit tatlong taong gulang na anak sa backseat ng minamanehong kotse. Katabi nito si Yaya Candida o Candy—ang tagapag-alaga nito sapul nang kanyang isilang. Kasama ng mga ito ang ilan sa kanilang mga bagahe dahil kasalukuyan silang lilipat ng bahay mula sa condo unit na dati nilang tinitirhan.

"I'm afraid you can't, sweetie. Kagagaling lang ng ubo mo."

Nakita niya ang paglabi ng anak. Dagling nanulis ang nguso nito kasunod ang pamamasa ng mga mata.

"Annie, look at Mommy."

Tila masama ang loob na sumunod ito sa kanya. Ibig niyang mapabuntong-hininga. Kapag ganoong nagpapakita ng katigasan ng ulo ang anak ay hindi maiwasan ni Bernadette na maalala ang isang taong matagal na niyang pilit kinakalimutan. Dangan at hindi niya magawa kahit isang saglit sa nakalipas na apat na taon. Dahil papaano niya gagawin iyon gayong araw at gabi niyang kasama ang buhay na imahen nito?

"Anak, di ba't ipinangako ko naman sa'yo, na kapag magaling na magaling ka na ay ibibili kita kahit isang gallon na ice cream?"

"You're jut taying that," nakalabing tugon nito. Bulol ito sa 's' ngunit hindi sa 'r'.

"Have I ever broke a promise to you?" nais mang mainis ay pinili pa rin niya ang maging ma-diplomasya. Sa edad nitong mahigit lamang sa tatlong taon ay napakahusay na nitong mangatwiran. Mukhang may anak siyang mag-aabogada. "Well?"

"Okay, Mommy."

Nagkatinginan na lamang sila ng yaya nang magbaling ito ng ulo sa labas ng sasakyan habang nakanguso pa rin at mukhang masama ang loob. Nahagod niya ang mahabang buhok in frustration.

Thirty minutes later ay papasok na sila sa isang pantay-taong gate. Mabuti na lamang at mahusay ang taong nakuha ni Melissa upang mangalaga sa kanilang bahay. Kahit luma na ang kanilang gate ay napanatili pa rin iyong buo komo alaga parati sa linis at pintura.

Kaibigang matalik niya si Melissa. Kaklase niya ito mula second year high-school hanggang college. Pareho silang nagtapos ng kursong BS Accountancy at sabay ring nakapasa sa board exam. Nang ipanganak niya si Annie ay tila lalong pinagbigkis ang kanilang pagkakaibigan nang ito ang tumayong ninang ng kanyang anak.

"Nangnang!"

Hindi pa man napapatay ni Bernadette ang makina ng sasakyan ay nakapulas na mula kay Yaya Candy ang alaga nito at mabilis na umibis ng kotse. Nahagod niya ng kamay ang noo upang burahin ang kunot na mabilis na gumuhit doon.

Pag-ibis niya ng sasakyan ay nakita niyang pinupupog ng halik ni Melissa ang kanyang anak. Parang dekadang hindi nagkita ang mga ito gayong two days ago lamang ay magkakasama silang tatlo nang magpa-check up si Annie dahil sa ubo't sipon.

"What's wrong, darling? May masakit pa ba sa'yo? Tell Nangnang and I'll kiss them away," malambing na tanong ni Melissa sa inaanak.

Ngunit sa halip na sumagot ay nakalabing isiniksik lang ni Annie ang mukha sa leeg ng iniina.

What happened? Melissa mouthed the words.     

Ice cream, she mouthed back.     

Melissa's lips formed a silent 'O'. Naunawaan na nito ang ipinagmamarakulyo ng inaanak.

"I saw a new toy store on my way here. Gusto mo bang sumama sa akin?"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango ang paslit. Lihim na pinanlakihan ni Bernadette ng mga mata si Melissa subalit parang wala lang itong nakita. Kinaray na nito paalis ang kanyang anak. Napabuntong-hininga na lamang siya sa kawalang-magawa.

Undying Ember (Chains of Passion Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon