Coee's pov.
Alasyete na ng makauwi ako, nag text sakin si Cuatro na sakinila naraw ako dumeretso kaya ginawa ko naman.
"Mommmm!" salubong sakin ni Cloe ng maka uwi na ko, nagugutom nako hutek hindi ako mabubusog sa pang lalandi nitong mga to.
"Kumain kana ba?" tanong sakin ni Cuatro, umiling naman ako saka tinanggal ang sapatos ko pati ang bag.
"Mag luluto muna ako." saad niya, kaya taka akon napalingon sa kanya, nag luluto siya? O baka naman patatas lang alam niya lutuin.
"Tigilan mo nga kakatingin ng ganyan, wala kabang tiwala sakin ha?" saad niya saka sinuot ang apron, iniwan ko muna sila roon, nahiga ako sa malambot kong kama, grabe ang sarap ditoo.
Grabe ang sarap mag chill dito, ilang minuto akong tumambay roon dahil nag isip isip.
Pero sinira iyong ng batang maatittude na nakatayo sa harapan ng pintuan at eskandalosang kumakatok.
"Kakain na daw sabi ni Daddy."
Inis ko siyang nilingon sakatuluyang lumapit sa kanya at binuhat para panggigilan ang pisngi.
Buhat buhat ko siya hanggang sa makababa kami nga hagdan at makapunta sa dining room inupo ka siya ron, ang bigat e.
"Sabi na nga ba may patatas nanaman." saad ko saka tuluyang umupo, aba ready na lahat e.
"Akala ko ba may driver at katulong ka?"
"Pinag day off ko sila ngayon kasi araw ng kamatayan ng anak nila." sagot niya saka umupo na rin.
Tumabi bigla sa kanya si Cloe kaya mag kaharap na kami ngayon, iniiwan nako kainis.
"Naaantok nako." saad ko.
"Mag hugas ka muna plato." halos mabuhusan ko siya ng tubig sa inis.
"Oo nga mom, si dad na nag luto so ikaw mag hugas."
"Bat ikaw? Ano naambag mo?" mataray ko ring saad.
"Dad, oh." pag susumbong niya sa tatay niya.
"Tama nga naman, wala kang ambag." pareho kaming natawa ni Cuatro dahilsa sinabi niya.
At ganon nalang ang bigla niya ng biglang umiyak, agad niya iyong pinatahan at tinignan pa ko ng masama, ako naman tong tawa ng tawa.
"Ikaw kasi e." inis niya pang saad sakin at pilit niyang pinapatahan si Cloe, asus pabebe.
"Bat ako? Ikaw nag paiyak diyan e."
Itinuloy ko nalang ang pag kain ko pero nahagip ng paningin ko ang mga pictures na naka display, yun yung picture namin sa party, pati kasama si Dos, pati ang pamilya niya, hanggang sa mapatingin ako sa pinaka malaki, iyon ang i drinawing ni Uno.
Ang sweet...
"Bilisan niyo gusto ko na matulog." saad ko saka inubos ang pagkain, matapos nila ay nag cr muna ako.
Ng makalabas ako ay wala na sila kaya naman nag hugas na ko ng plato, grabe nakakapagod.
Nang matapos ako ay pinunatahan ko ang manga larawang naka display. Eto yung gusto kong buhay, pero delikado.
"Tulog na siya, mukang enjoy ka diyan ah." saad niya saka tumabi sakin, kaya naman nilingon ko siya ng tuluyan.
"Hindi ko alam na ganto pala kasaya mag karoon ng pamilya, depende nga lang kung maayos." saad ko.
"Ah, pamilya mo na ko?" ngiti niyang tanong.
"Syempre ama ka ng anak ko..." natatawa kong saad. Sobrang thankful ako ng dumating sila sa buhay ko.
"We? Hug nga.."
"Thank you." tanging saad ko na lamang at naluha ng tuluyan nang hihina akong lumapit sa kaniya.
"For what?"
"Nung dumating ka sa buhay ko, disgrasya inabot ko pero anghel yung dumating." bahagya pa akong natawa sa sinabi ko.
"Wag kang iiyak, pucha."
"Akala ko hindi na kita makikita ulit, una kitang makita nung 9 years old ako, i saw you with Tito, crush nakita non, diba ang landi ko haha, kidding."
"Naks, matagal mo na pala akong pinapantasya kung ganon?"
"Kapal mo..."
"Matulog na tayo." paanyaya niya saka hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kami umakyat.
"Good night I love you." saad niya saka tuluyan akong iniwan sa kwarto, gahsmshh my heart...
Nag daan ang linggo, kaarawan ko yun ang alam ko, nagising ako dahil sa araw na ng didistorbo sakin tanghali na nakatulog ako kanina dahil galing kaming simbahan.
Bumangon ako saka nag ayos at tuluyang bumaba, nag taka ako dahil ang tahimik ng paligid.
"Dude, ang pangit mo." Nagulat ako ng biglang mag salita si Dos, si DOS?!
"HOY KUMAG KA?! BAT KA NANDITO?" sigaw ko at tuluyan siyang nilapitan naka upo ng pambabae habang hawak ang kape.
"Pinapunta ako ni Kuya."
"Oh? Bat nakiki kuya kana?"
"Apkors, magalang ako noh." mayabang niyang saad, pero ngayon ko lang napansin ang pormahan niya.
"Bat naka ganyan ka? San ka mag babakasyon?" naka suot kasi siya ng polo nakabukas pa butones ewan ko.
"Pinabili ni kuya suotin mo raw, bilian mo nag iintay na sila roon." agad ko namang kinuha ang bag na iyon ang sosyal ng lagayan may nakalagay na silverios.
"Wait mo ko ah." saad ko saka bumalik sa kwarto tinignan ko ang laman ng bag ganon na lang ang pag kabigla ko ng makita ang silver velvet dress, bakit ba ang hilig nung lalaking yun sa velvet na dress?
Nag linis muna ako ng katawan saka tuluyang isinuot iyon, kinulot ko ang ibaba ng buhok ko at inispryan iyon nag nag lahay rin ako ng kaunting make up ayoko ng marami ang bigat.
Sinuot ko naman ang 3inches heels, agad kong ring inayos ang versace kong bag saka tuluyang bumaba.
"Tara na."
Tinignan niya naman ako mula ulo hanggnang paa, ano bato apaka laitero.
"Kaya adik sayo kuya ko e, tara na nga." saad niya saka inalalayan ako papasok ng kotse, sila manang at manong ay naiwan sa bahay.
"Ano bayan pinaporma mo pa ko ng ganto, river bank lang pala punta natin." inis kong saad, buti nalang at walang putik at ulan dahil kung meron iyak ang hirap mag laba.
"Upo ka." nagualat ako ng bigla niyang nilagyan yung mata ko ng piring at maslalo akong nagulat ng may mga taong bumuhat sa inuupuan ko.
"Kingina nyo pag ako nahulog ilalaglag ko talaga kayo sa ilog."
Ibinaba nila ang upuan kaya tinanggal ko na rin ang piring ko, saka patuloy na tumayo, pinahirapan pa nila sarili nila pwede naman akong mag lakad.
Halos man laki mata ko sa nakita ko...
To be continued...
BINABASA MO ANG
No One's Perfect (SILVERIO 1)
Random(COMPLETED) We are both not sober on that time, i left him hanging on cause my life is in danger but that was 5 years ago. We met again but i think that's not the right time cause while we're enjoying the days with her, Cojeda are done with their pl...