37

4 3 0
                                    

// hi again :)//


Para akong tanga dahil dala ko ang bag ko habang hinahanap ang daan palabas, ang laki naman kasi ng mansion na to malamang kaya nga mansion..

Dumeretso ako sa pag lakad, ngunit ng maka amoy ako ng usok bahagya akong inubo at hinanap kung san galing yun.

"HOY! KAILAN KA PA NATUTO NIYAN?!" irita niya akong tinignan mula ulo hanggang paa,

"Where are you going?" Malamig niyang tanong at ibinulsa ang lighter.

"SAYO!"

"What's sakin?"

"AALIS TAYO! BILISAN MO!TABI NGA DIYAN!" nasa harapan kasi siya ng kotse niya naka harang, irita akong umupo sa passenger seat.

Nang ma realize niya na agad din siyang pumasok, bahagya pa siyang lumingon sakin kaya kami nagkatitigan.

Napa kunot nuo ko ng biga siyang lumapit at kinuha yung belt at iniaayos iyon. Ngunit nakatingin parin siya sa akin.

Napatingin ako sa labi niya, sayang kung hindi ka lang manigarilyo susugurin na kita, umiwas ako ng tingin at binaling iyon sa harapan.

"I love you." Napakagat nalang ako ng labi dahil sa sinabi niya.

"Kabisado ko ba ang naval?"

"Medyo..."

Nagulat ako nag bigla siyang huminto, at may mga lalaki naman na nakatakip ang muka na sumugod sakin.

"ARAY ANO BAA!! TULONGG!! CUATRO!!!" grabe ang diin ng kapit nila, itinali nila ang kamay ko at tinakpan ang mata ko.

"Cuatro!!!! MAHALLL!! ASAN KANAA??!!!"

"Andito lang."

"HAYOP KA! ANG SAKIT NG KAMAY KO TANGGALIN MO NGA TONG PIRING KO!!"

"Wag daw e."

"WAG KA MALIKOT! sumunod bilis!" Saad nung lalaki kaya naman nag lakad nalang ako saka sumakay sa umuugang ito.

"HOY! BABANATAN KO TALAGA KAYO!"

Lalo akong nainis ng lagyan hila ng tape yung bibig ko, hayop na mga to ang dilim kayaa!!!

"Baba bilis! Sinunod ko naman ang sinabi niya, at muntik pa kong mahulog buti nalang sinalo ako ng gwapo kong asawa.

Maya maya ng makababa irita kong hinanap ang akoy kung nasaan siya at buti success, tinanggal niya ang tape at blindfold ko.

Nang ilibot ko ang paningin ko dun ko napag tanto na nasa gitna kami ng magandang isla, ngunit mukang walang ibang tao.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Raranasin ang hirap."

"Anong hirap?!"

"Ewan ko.." kamot ulo niyang saad, irita ko naman siyang tinignan.

"Bakit kasi hindi mo sila pini5hilan na dalhin tayo dito?!" Naupo ako sa may buhangin, nakakainis naman miss ko na anak ko.

"Eh? Naka ganon din ako kagaya mo." Nakataas pa ang isang kilay niya habang sinasabi yun luh inaatitturan niya ba ko?

"Tapos?! Hindi ka pumalag kasi gusto mo rin?!"

"Malamang, alangan nalang tumanggi ako sa grasya."

"Anong grasya? Baka disgrasya?!"

Irita akong nag lakad papasok ng kubong naroon sa gilid, bat hindi nalang nila tayuan ng resort tong lugar na to? Mukang malaki at maganda ang tanawin.

"This is a private resort."

"Ni rerentahan ganon?

"Yes."

"Matulog kana gabi na." Saad ko sa kaniya, kawawa naman to dito siya natutulog baka lamukin siya.

"Mauna Kana babantayan kita." Saad niya pero natawa lang ako ko saka ipinikit ang mga mata.

Kinaumagahan, tinignan ko ang relo ko at guess what? 9:30 na, ngayon ko natanaw na may ibang kubo pa pala buti di gumigiba yun.

Dahil board ako at gusto ko siyang i surprise, pumunta ako sa pangatlong kubo at inayos sa harapan nun ang limesa at upuan.

Nilagyan ko ng maraming bulaklak lakad sa gilid at inihanda ang nga kahoy para silaban iyon mamayang gabi.

Today is our 8th anniversary.

Nang maayos ko iyon inilagay ko rin yung binili kong bluetooth speaker na may cdng umiikot, saka inilagay iyon sa gitna ng sapin.

Puro talaga kahit ang narito pero maganda dahil sa paningin ko para siyang makaluma, inihanda ko rin ang mga kandila.

Sana ay hindi umulan para hindi masira ang plano ko.

Inabot ako ng ilang oras kaya bumalik narin ako at naabutan ko siyang hinahanap ako kaya natawa namana ako.

"Mabuti't gising kana."

"I'm hungry." Saad niya at yumakap sakin, ngunit inilayo ko siya at nag hanap ng makakain sa bag na naroon.

"Papayat tayo neto, tatlong araw jusme hindi ko kayang sikmuraing makasama ka." Saad ko at inayos ang pag kain.

Ang hirap naman...

"Gusto ko mo sabay tayo maligo mamaya?"

Halos mabilaukan ako sa letcheng tanong niya, ang sakit ng lalamunan ko jusmiyoo. Pinag papawisann na ko dito ah.

"Why?" Inosente niyang tanong.

"Baliw kaba?!"

"Sayo, Opo."

Napalingon ako sa kabilang side at natawa, gg to nakakainis, (~ ̄³ ̄)~ kiss kita jan e.

"You don't want to swim?"

"Sinong may sabi?" Tanong ko, huhunes nakaka loko na to ah.

"Okay, let's swim later." Saad niya saka itinuloy ang pag kain, sometimes there's a lot of thought that making my brain confused.

"Mangingitim ako rito, hays." Saad ko.

"Maganda ka parin naman." Napahilamos ako sa muka dahil sa sinabi niya, grabe naman po....

"Ang ganda talaga dito, nakita mo na ba to mula sa itaas?" Tanong ko, gusto kong makita ang shape ng islang ito.

"Yeah..."

"Let's swim." Paan yaya ko at hinawakan ang kamay niya, dinala ko siya sa dagat at hinarap siya.

"What?" Inosente niyang tanong.

"Gusto ko nang makipag hiwalay..." Nakangiti kong saad, na tuluyang nagpabago sa mood niya, umiwas siya ng tingin pero iniharap ko parin ang muka niya sakin.

"Na asikasok ko na yung divorce paper pirma mo naman ang kulang." Nagulat ako ng biglang tumaas yung isang kilay niya.

"What? No! You can't do that." Irita niyang saad.

"I can."

"No! Hindi ako paayag, inis siyang nag lakad papuntang kubo, malapit na palang mag dilim buti sakto.

"Cuatro, pleaseee.. I'm tired."

"I'm also tired! Nag reklamo ba ko? Naiinis at napipikon din ako! Anong tingin mo sakin bato?! Ow c'mon."

"Cuatro pipirma kalang naman, tapos tapos na."

"Walang tatapusin!"

"Meron! Ayoko na sa relasyon na to!" Bigla siyang lumapit sakin at pilit na lumuhod, pilit ko siyang itanatayo pero ayaw niya, ang bigat eh.

"Hoy tumayo ka nga!!"

"Saan ako nag kulang? Bakit ginagawa ko sakin lahat ng to?" Tanong niya at saka tuluyang tumulo ang luha niya.

Minsan hindi ko alam kung kakayanin ko bang tumayo kapag nakikita ko siyang umiiyak, parang nang hihina narin ako.

Minsan lang kasi ako makakita ng lalaking umiiyak, parang sa unang tingin ko strong sila pero may kahinaan din.

No One's Perfect (SILVERIO 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon