PROLOGUE

21 10 5
                                    

Disclaimer;This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.


Hi...

Araw ng kamatayan ni Papa at Mama ngayon, kasama ko ang kaibigan kong si Fai habang pinag mamasadan namin ang libingan nila.

"It's been 2 years since that accident happened." saad niya habang bahagya pang hinahagod ang likod ko.

"Buti na nga lang at pinayagan ako ng boss kong mag leave ng isang araw, marami kasing ganap sa trabaho.." mahina kong saad at sinindihan ang kandila.

"Nga pala.. May gagawin kaba mamaya?" tanong niya kaya naman natawa ako ng wala sa hulog.

"Wala naman.." sagot ko, pero parang meron ata di ko lang maalala.

"Okay, sama ka sakin mamaya sa Mall." nakangiti niyang paanyaya, napalingon naman ako ng puno ng pag tataka.

"Ano namang gagawin natin roon? Delekado.." saad ko saka ngumiwi.

"May fashion show, inimbita ako para live na kumata roon, sakto kailangan namin ng gitarista pwede ka." paliwanag niya pa.

Hindi ako sanay pumunta ng Mall, ayokong rin namang tumanggi hehe baka may kita dagdag narin yun para sa pang bili ko ng pangangailangan.

"Ahh.. Ganon ba? Sige kung pwede." natatawa kong sagot.

Kinagabihan nasa mall na nga kami, inihanda na lahat nang gamit. Pumunta muna kami ni Fai dun sa nag set ng program.

"Sir, this is Coee my best friend, siya rin po ang magiging guitarist for this night." napalingon naman ako roon sa lalaki.

"Nice to meet you Coee?" mukang iniintay niya ang apilyedo ko.

"Ahhm... Eh..." saad ko nalang, hindi ko pwede sabihin gashh. 'anong sasabihin ko?' ngumiti muna ako ng wierdo alam kong alam niya yon.

"Al-Arvejo." sagot ko saka ngumiti. Shaakss sana pasado na, kailangan ko talaga ng pera ngayon.

"Nice to meet you Coee Arvejo, I'm Cuatro Silverio." malamig niyang pakilala, ang laki ng boses niya muka rin siyang siga.

"Okay, so let's go." saad naman ni Fai, pero nanatili ang paningin ko kay Cuatro, ang hot!!!!'‹

Hinila nalang ako ni Fai kaya tuluyan kaming nakarating roon, nakitang kong naupo si Sir Cuatro roon sa harapan. Mukang isa siya sa mga judges.

Ilang oras naganap ang program, kaya ngayon sasabihin na kung sino ang mananalo. Hindi ko manlang nalaman kung anong silbi ng pag lakad lakad nila.

Sabagay wala narin naman akong maiiambag pag nag kataon.

"Hello everyone, this is Fourth Silverio. I would like to invite the band beside me please.." saad niya sa mic kaya naman nag panic kaming pumunta roon.

'tch singungaling akala ko ba cuatro name niya?' -_-

"Uhm... Gusto ko sana kayo imbitahan sa Fai's café palagi po kaming may gig roon, and uhm.. Sana rin po suporthan niyo ang banda namin salamat.." saad ni Fai sa mic. Nag palakpakan naman ang mga tao.

Marami ring sinabi si Cuatro, pero dulo lang narinig ko.

"That's all for tonight hope see you again everyone." saad niya saka tuluyang nagsigawan ang mga tao.

'Ganon siya kasikat sa marikina? Baka next time sa river bank na to mag paparty chars haha'

"Hoy! Kanina kapa ngiti ng ngiti!" saad ni Fai saka binatukan ako kaya inis ko siyang nilingon.

"Ang epal mo." saad ko nalang bahagyang aalis ng bigla kong marinig boses ni Cuatro kaya bumalik ulit ako hehe.

"Ipapasok ko nalang sa banko mo." saad ni Cuatro kay Fai, bat kanina parang ang bait niya?

"Okay, Sir Fourth." nakangiting sagot naman ni Fai. Nagkasalubong kami ng tingin ni Cuatro, kaya naman umiwas ako kaagad.

"See you soon." saad niya saka tuluyang umalis.

"Grabe.. Ang hot ni Sir Fourth!" saad ni Fai, kaya naman nagulat ako. Nako, sana naman hindi kami mag katalo dahil don.

Mayamaya pa habang nag lalakad kami pauwi ng apartment ni Fai, nahagip ng mata ko ang lalaking may duguang labi?

"Fairyy... May nakalimutan akong bilhin mauna kana lang umuwi." saad ko na nasa malayo ang tingin.

"Nako! Ano ka sasamahan na kita, gabi na delikado." saad niya.

"Hindi na, sige na mauna kana ingat ha." nakangiti kong pang tataboy sa kanya.

"Sige.. Mag iingat ka." saad niya saka dahan dahang lumayo. Ibinalik ko ang tingin ko roon sa lalaking duguan na.

Patago akong lumakad papunta roon, halos bagsak na ang katawan nung lalaki dahil sa lamog.

Agad akong pumunta roon sa lima pang lalalaking naka bantay sa kanya.

Akmang hahampasin na ng kahoy ng mga yon yung puntirya nila ng bigla ko iyong sanggain.

Pota ang sakit.

"Sino ka?!" maangas na sigaw pa niya, nginitian ko lamang siya saka tuluyang hinila ang kahoy saka malakas na inihampas iyon sa batok niya.

Agad akong sinugod ng lalaking may dalang kutsilyo, pero dahil hindi siya asintado itinurok ko iyon sa likod niya.

*PAK!

Maangas kong hinawakan ang labi ko dahil tinamaan iyong ng sapak niya.

Inis ko siyang nilingon saka tuluyang binugbog, nagulat ako dahil nag takbuhan palayo ang iba.

Napatingin ako roon sa lalaking tulog parin sa sahig, agad ko siyang inalalayan patayo nagising naman.

*Bang!

Halos niyakap ko siya pero tuluyang na siyang pumikit at bumagsak, agad akong naupo para tignan kung ayos lang siya.

"Who are you?" bahagya kong tanong pero nakapikit parin siya.

"I will tell you but your life depends on it." saad niya nalamang at tuluyang nawalan ng malay.

Hope you like it guys! :>

No One's Perfect (SILVERIO 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon